O papel da mulher
A Bíblia honra a mulher como colaboradora essencial no plano de Deus. De Provérbios 31 às mulheres do Novo Testamento, a Escritura celebra a sabedoria, a força e a fé feminina.
A mulher virtuosa
Mulher virtuosa, quem a achará? Seu valor excede o de rubis. Ela é sábia, trabalhadora, generosa e temida pelo Senhor.
Mahirap hanapin ang mabuting asawa.
Higit pa sa mamahaling alahas
ang kanyang halaga.
Lubos ang tiwala sa kanya
ng kanyang asawa,
at wala na itong mahihiling pa sa kanya.
Kabutihan at hindi kasamaan
ang ginagawa niya
sa kanyang asawa habang siya
ay nabubuhay.
Masigasig siyang humahabi
ng mga telang lino at lana.
Tulad siya ng barko
ng mga mangangalakal;
nagdadala siya ng mga pagkain
kahit galing pa siya sa malayong lugar.
Maaga siyang gumigising
upang ipaghanda ng pagkain
ang kanyang pamilya,
at para sabihan ang mga babaeng katulong
ng mga dapat nilang gawin.
Marunong siyang pumili ng lupa
na kanyang bibilhin.
At mula sa kanyang sariling ipon,
pinapataniman niya ito ng ubas.
Malakas, masipag
at mabilis siyang gumawa.
Magaling siyang magnegosyo,
at matiyagang nagtatrabaho
hanggang gabi.
Sa kanyang kamay
ay hawak niya ang sinulid,
at nakakapit sa panghabi
ang kanyang mga daliri.
Matulungin siya sa mahihirap
at mga nangangailangan.
Gumagawa rin siya ng damit at sinturon,
at ipinagbibili sa mga mangangalakal.
Malakas at iginagalang siya,
at hindi siya nangangamba
para sa kinabukasan.
Nagsasalita siya nang may karunungan,
at nagtuturo nang may kabutihan.
Masipag siya,
at inaalagaang mabuti
ang kanyang pamilya.
Ang matalinong babaeʼy
pinapatatag ang kanyang sambahayan,
ngunit ang hangal na babaeʼy
sinisira ang sarili niyang tahanan.
Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao
Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid
sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
Beleza interior
A beleza verdadeira não é exterior, mas o caráter incorruptível de um espírito manso e tranquilo. Isso tem grande valor diante de Deus.
Kayong mga babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, upang kung ang asawa ninyoʼy hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, maaaring madala nʼyo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita. Sapagkat nakikita nilang may takot kayo sa Diyos at malinis ang pamumuhay ninyo. Huwag ninyong pagkaabalahan ang panlabas na kagandahan na mula sa pag-aayos ng buhok, pagsusuot ng mga gintong alahas, at mamahaling mga kasuotan. Sa halip, ang inyong kagandahan ay dapat magmula sa kalooban – ang kagandahang hindi kumukupas, na bunga ng maamo at mahinahong espiritu, na siyang mahalaga sa paningin ng Diyos. Sapagkat noong unang panahon, ito ang pagpapagandang ginawa ng mga banal na babaeng nagtitiwala sa Diyos. At nagpasakop sila sa kani-kanilang mga asawa. Ganoon ang ginawa ni Sara. Sinunod niya si Abraham at tinawag pa niyang panginoon. Maituturing kayong mga anak ni Sara, kung matuwid ang inyong ginagawa, at kung wala kayong kinatatakutan.
Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Kristiyano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Diyos ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Diyos ang mga panalangin ninyo.
Nais ko ring ang mga babae ay maging maayos sa pananamit nila, marangal at nararapat, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit.
Kailangang kagalang-galang din ang mga asawa nila, hindi mapanira sa kapwa, hindi madaling magalit, at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
Parceria e dignidade
Deus criou homem e mulher à sua imagem. A mulher não é inferior, mas parceira e co-herdeira da graça da vida.
Kaya nilikha ng Diyos ang tao,
lalaki at babae
ayon sa wangis niya.
Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, "Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa."
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."
Sinabi rin niya sa babae,
"Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis
at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak.
Ngunit sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa
at maghahari siya sa iyo."
Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Diyos.
Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kaya kung paanong nagpapasakop ang iglesya kay Kristo, dapat ding magpasakop ang mga babae sa asawa nila sa lahat ng bagay.
Gayundin naman, ang mga nakatatandang babae ay turuan mong mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Huwag silang maging mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak, at sa halip ay ituro nila sa iba ang mabuti. Sa gayon, matuturuan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak, maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing-bahay, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Diyos na ating itinuturo.