Publicidade

Páscoa

Por Bíblia Online

A Páscoa é a celebração suprema da redenção. Do cordeiro pascal no Egito ao Cordeiro de Deus que tira o pecado do mundo, ela aponta para o sacrifício e a vitória de Cristo.

A caminhada para a cruz

Jesus entrou em Jerusalém como Rei humilde, e a multidão o aclamou. Ele sabia do sofrimento que viria, mas caminhou em obediência até o fim.

Ang mga tao sa unahan ni Hesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw,

"Purihin ang Anak ni David!"

"Pinagpala ang dumarating

sa ngalan ng Panginoon!"

"Papuri sa Diyos sa kaitaasan!"

Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas.

Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat

ng aming ginagawa.

Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Pagpalain sana kayo ng Panginoon

mula sa kanyang Templo.

"Magalak kayo,

kayong mga mamamayan ng Zion!

Sumigaw kayo sa tuwa,

kayong nasa Jerusalem!

Sapagkat ang inyong hari ay darating na.

Matuwid siya at matagumpay.

Mapagpakumbaba siya,

at darating na nakasakay

sa bisirong asno.

"Pupunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga hindi Hudyo para insultuhin, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw."

A paixão de Cristo

Jesus foi zombado, açoitado e crucificado. Ele orou no Getsêmani e entregou sua vida voluntariamente, dizendo: 'Está consumado!'

Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang isang tungkod sa kanyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, "Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!"

Naglagay sila ng karatula sa ulunan ni Hesus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: Ito si Hesus, ang Hari ng mga Hudyo.

Sinabi niya, "Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masusunod kundi ang kalooban ninyo."

Sumigaw nang malakas si Hesus, "Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu!" At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.

Nang masipsip na ni Hesus ang alak, sinabi niya, "Tapos na!" Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

A ressurreição gloriosa

Ele não está aqui — ressuscitou! O túmulo vazio é a prova de que a morte foi derrotada e Cristo vive para sempre.

Sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.

Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.

Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanan at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?"

Pumasok na rin ang alagad na naunang nakarating, at nakita rin niya ang mga ito. Kahit na hindi pa nila nauunawaan ang tungkol sa sinasabi ng Kasulatan na si Hesus ay muling mabubuhay, naniwala siya.

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-