Pular para o conteúdo
Publicidade

Perdão e misericórdia

Por Bíblia Online

O perdão é o coração do evangelho. Deus nos perdoou em Cristo e nos chama a perdoar uns aos outros, assim como fomos perdoados — sem limites e sem condições.

O perdão de Deus

Deus é rico em misericórdia. Ele apaga nossas transgressões e não se lembra mais dos nossos pecados. Quem confessa, alcança perdão.

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.

"Ako mismo ang naglilinis

ng mga kasalanan mo

para sa aking karangalan,

at hindi ko na iyon aalalahanin pa.

"Ako mismo ang naglilinis

ng mga kasalanan mo

para sa aking karangalan,

at hindi ko na iyon aalalahanin pa.

Kung gaano kalayo

ang silangan sa kanluran,

ganoon din niya inilalayo sa atin

ang ating mga kasalanan.

Tunay kayong mabuti at mapagpatawad,

O Panginoon,

puno ng pag-ibig sa lahat

ng tumatawag sa inyo.

Tunay kayong mabuti at mapagpatawad,

O Panginoon,

puno ng pag-ibig sa lahat

ng tumatawag sa inyo.

Tunay kayong mabuti at mapagpatawad,

O Panginoon,

puno ng pag-ibig sa lahat

ng tumatawag sa inyo.

Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan

at kakalimutan ko na ang kanilang mga kasalanan."

Perdoar como fomos perdoados

Jesus ensinou que devemos perdoar setenta vezes sete. Se não perdoarmos aos outros, o Pai celestial também não nos perdoará.

Ang Talinghaga tungkol sa Utusang Ayaw Magpatawad

Lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, "Panginoon, hanggang ilang beses ko po ba patatawarin ang isang kapatid na nagkakasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?"

Sumagot si Hesus, "Hindi lang pitong beses kundi pitumpuʼt pitong beses.

Ang Talinghaga tungkol sa Utusang Ayaw Magpatawad

Lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, "Panginoon, hanggang ilang beses ko po ba patatawarin ang isang kapatid na nagkakasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?"

Sumagot si Hesus, "Hindi lang pitong beses kundi pitumpuʼt pitong beses.

Ang Talinghaga tungkol sa Utusang Ayaw Magpatawad

Lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, "Panginoon, hanggang ilang beses ko po ba patatawarin ang isang kapatid na nagkakasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?"

Sumagot si Hesus, "Hindi lang pitong beses kundi pitumpuʼt pitong beses.

"Ganyan din ang gagawin ng aking Amang nasa langit kung hindi kayo buong pusong magpapatawad sa inyong kapwa."

Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo sila pinapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.’ "

Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo sila pinapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.’ "

Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.

at patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,

tulad ng pagpapatawad namin

sa mga nagkakasala sa amin.

Pinagpala ang mga taong mahabagin,

sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos.

A prática do perdão

Perdoar é um ato de obediência e liberdade. A Escritura nos exorta a suportar uns aos outros e perdoar de coração, se alguém tiver algo contra outro.

Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.

Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.

Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.

Misericórdia e graça

Deus é compassivo e tardio em irar-se. A misericórdia triunfa sobre o juízo, e quem se humilha diante de Deus encontra graça abundante.

Magsisi kayo nang buong puso

at hindi pakitang-tao lamang

tulad ng pagpunit ninyo

ng inyong mga damit.

Magbalik-loob kayo sa Panginoon

na inyong Diyos,

sapagkat siyaʼy mahabagin

at mapagmalasakit,

hindi madaling magalit

at wagas ang pag-ibig.

Naghuhunos-dili siya

at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.

Walang ibang Diyos na katulad ninyo!

Pinapatawad ninyo ang kasamaan

at kinakalimutan ang kasalanan

ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan.

Hindi kayo nananatiling galit

magpakailanman

dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.

Ngunit dahil sa laki ng inyong habag, hindi nʼyo sila pinabayaan o lubos na ipinahamak, dahil mahabagin at maalalahanin kayo, O Diyos.

Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,

at mabuti kayo sa mabubuting tao.

at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain.

Ipinagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel

Nagpadala si Ezequias ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manases. Inimbita niya sila na pumunta sa Templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Nagpasya ang hari at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan. Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem. Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista, kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Ngunit sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.

Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat:

"Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, upang bumalik din siya sa inyo. Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Diyos, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon. Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa Templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Diyos, upang mawala ang matindi niyang galit sa inyo. Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya."

Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manases hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao. Ngunit may ibang galing sa Asher, Manases at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem. Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda upang magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon.

Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Inalis nila ang mga altar para sa mga diyos-diyosan sa Jerusalem, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.

Nang ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita ay napahiya kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, pumuwesto sila sa kanilang mga lugar sa Templo ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.

Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon. Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, "O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo." Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.

Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon.

Pinuri ni Ezequias ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog pangkapayapaan, at nagpuri sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan. Nagbigay si Haring Ezequias sa mga tao ng isang libong toro, pitong libong tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng isang libong toro at sampung libong tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili.

Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda. Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel. Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Diyos sa langit, sa kanyang banal na tahanan.

Arrependimento e perdão

O arrependimento genuíno abre as portas do perdão. Deus convida todos ao arrependimento e promete perdoar completamente quem volta a Ele.

Sumagot si Pedro sa kanila, "Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.

Kaya ngayon, magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin niya ang inyong mga kasalanan.

"Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.

Noong una, nang hindi pa kilala ng mga tao ang Diyos, hindi niya pinansin ang kanilang mga kasalanan. Ngunit ngayon, inuutusan ng Diyos ang lahat ng tao sa lahat ng lugar na magsisi at talikuran ang kanilang masamang gawain.

Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko

ang aking mga kasalanan sa inyo;

hindi ko na ito itinago pa.

Sinabi ko nga sa sarili ko,

"Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon."

At pinatawad nʼyo ako.

Hindi ka uunlad

kung hindi mo ipapahayag

ang iyong mga kasalanan,

ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan,

kahahabagan ka ng Diyos.

Talikuran na ng mga taong masama

ang masasama nilang ugali

at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip.

Magbalik-loob na sila

sa Panginoon na ating Diyos,

dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Talikuran na ng mga taong masama

ang masasama nilang ugali

at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip.

Magbalik-loob na sila

sa Panginoon na ating Diyos,

dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Perdão nos relacionamentos

Se teu irmão pecar contra ti, repreende-o; se se arrepender, perdoa-lhe. Não guarde ressentimento — liberte-se pelo perdão.

Kaya mag-ingat kayo.

"Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo. Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin."

Huwag Husgahan ang Kapwa

"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.

Huwag Husgahan ang Kapwa

"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.

Huwag Husgahan ang Kapwa

"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.

Sinabi ni Hesus, "Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."] Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Hesus.

At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [

At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [

At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [ Sapagkat kung ayaw ninyong magpatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit.]"

Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.

Manatili kang mapagmahal at matapat;

alalahanin mo itong lagi

at itatak sa iyong isipan.

Kapag ginawa mo ito,

malulugod ang Diyos

pati na ang mga tao.

Kung patatawarin mo

ang kasalanan ng iyong kaibigan,

mananatili ang inyong samahan,

ngunit kung patuloy mong uungkatin

ang kanyang kasalanan,

masisira ang inyong pagkakaibigan.

Ingatan ninyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Diyos. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.

Pagpapatawad para sa Nagkasala

Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat. Ngunit sapat na ang kaparusahang ibinigay ninyo sa kanya. Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob. Nakikiusap ako na ipakita ninyo sa kanya na mahal nʼyo pa rin siya.

Siya ang inialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng ating mga kasalanan kundi pati na rin ng kasalanan ng buong sanlibutan.

Sumagot ang babae, "Wala po." Sinabi ni Hesus sa kanya, "Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala."]

Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya.

"Kung ang isang babae ay hiniwalayan

ng kanyang asawa

at ang babaeng ito ay mag-asawang muli,

hindi na siya dapat bawiin ng kanyang unang asawa,

dahil magpaparumi ito nang lubos

sa inyong lupain.

Kayong mga taga-Israel

ay namumuhay na tulad

ng isang babaeng bayaran.

Marami kayong minamahal na mga diyos-diyosan.

Sa kabila ng lahat ng ito,

tatawagin ko pa rin kayo na magbalik sa akin."

Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

"Tingnan ninyo ang matataas na lugar

kung saan kayo sumasamba

sa inyong mga diyos-diyosan.

May mga lugar pa ba roon

na hindi ninyo dinungisan?

Pinarumi ninyo ang lupain

dahil sa kasamaan ninyo.

Para kayong babaeng bayaran na nakaupo

sa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki.

Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao

na naghihintay ng kanyang mabibiktima sa ilang.

Iyan ang dahilan kung bakit

hindi umuulan sa panahon ng tag-ulan.

Ngunit sa kabila nito, matigas pa rin ang iyong ulo

gaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya.

At ngayon sinasabi ninyo sa akin,

Ama ko, kayo po ay kasama ko

mula noong bata pa ako.

Palagi na lang ba kayong galit sa akin?

Hanggang kailan pa po ba kayo

magagalit sa akin?

Ito ang sinasabi ninyo,

ngunit inyo namang ginagawa

ang lahat ng masamang

magagawa ninyo."

Ginaya ng Juda ang Israel

Noong panahon ng paghahari ni Josias, sinabi sa akin ng Panginoon, "Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya. Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda. Ibinigay ko sa Israel ang katibayan ng diborsyo at pinalayas ko siya dahil sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kabila nito, nakita ko ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi man lang natakot. Nangalunya rin siya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang pinakamasama pa, hindi taos-pusong bumalik sa akin ang taksil na Juda. Pakunwari lang ang pagbabalik-loob niya sa akin," sabi ng Panginoon.

Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, "Kahit hindi tapat sa akin ang Israel mas mabuti pa rin siya kaysa sa taksil na Juda. Lumakad ka ngayon at sabihin mo ito sa Israel,

Ang Panginoon ay nagsasabi:

Israel na taksil, manumbalik ka,

sapagkat akoʼy mahabagin.

Hindi na ako magagalit sa iyo kailanman.

Aminin mo lang ang iyong kasalanan

na naghimagsik ka sa akin,

ang Panginoon na iyong Diyos,

at sumunod ka sa ibang mga diyos

sa pamamagitan ng pagsamba sa kanila

sa ilalim ng malalagong punongkahoy.

Aminin mong hindi ka sumunod sa akin.

Ako, ang Panginoon,

ang nagsasabi nito.’ "

Sinabi pa ng Panginoon, "Magbalik na kayo, kayong mga suwail na mga anak, dahil akin kayo. Kukunin ko ang isa o dalawa sa inyo mula sa bawat bayan o angkan at dadalhin sa Zion. Pagkatapos, bibigyan ko kayo ng pinuno na gusto kong mamumuno sa inyo na may kaalaman at pang-unawa. Ako, ang Panginoon ay nagsasabi na pagdating ng araw na marami na kayo sa lupaing iyon, hindi na ninyo hahanap-hanapin ang Kahon ng Kasunduan, ni iisipin o aalalahanin ito. At hindi na rin ninyo kailangang gumawa pa ng panibago nito. Sa panahong iyon, tatawagin nʼyo ang Jerusalem na Trono ng Panginoon.At ang lahat ng bansa ay magtitipon sa Jerusalem upang parangalan ang pangalan ng Panginoon. Hindi na nila susundin ang nais ng matitigas at masasama nilang puso. Sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel ay magkasamang babalik mula sa pagkabihag sa hilaga pauwi sa lupaing ibinigay ko sa mga magulang nila bilang mana.

"Ako mismo ang nagsasabi,

Natutuwa ako na ituring kayong mga anak ko

at bigyan ng magandang lupain

na pinakamagandang pamana

sa buong mundo.

At akala koʼy tatawagin ninyo akong Ama

at hindi na kayo hihiwalay sa akin.

Ngunit kayong mga mamamayan ng Israel

ay nagtaksil sa akin,

tulad ng babaeng nagtaksil

sa kanyang asawa."

Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

"May naririnig na mga ingay sa itaas ng bundok.

Nag-iiyakan at nagmamakaawa

ang mga mamamayan ng Israel

dahil naging masama ang kanilang pamumuhay

at kinalimutan nila ako,

ang Panginoon na kanilang Diyos.

"Kayong mga naliligaw kong anak,

manumbalik kayo sa akin

at itutuwid ko ang inyong kataksilan.

"Opo, kami po ay lalapit sa inyo

sapagkat kayo ang Panginoon

naming Diyos.

Talagang mali po ang pagsamba namin

sa mga diyos-diyosan sa mga bundok.

Sa inyo lamang ang kaligtasan ng Israel,

Panginoon naming Diyos.

Mula pa sa aming kabataan, nakinabang ang mga nakakahiyang diyos-diyosan

sa mga pinaghirapan ng aming mga ninuno

ang kanilang mga kawan at bakahan,

at ang kanilang mga anak

na lalaki at babae.

Dapat nga po kaming magtago

dahil sa kamiʼy nahihiya.

Sapagkat kami at ang aming mga ninuno,

sa inyo ay nagkasala, Panginoon naming Diyos.

Mula sa aming pagkabata hanggang ngayon,

hindi po kami sumunod sa inyo."

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.

Seja o primeiro