Pular para o conteúdo
Publicidade

Profecia

Por Bíblia Online

A profecia é a voz de Deus revelada ao seu povo. Através dos profetas, Deus comunicou seus planos, advertiu contra o pecado e anunciou a vinda do Messias.

Profecia e revelação divina

A profecia na Bíblia não é invenção humana, mas homens santos de Deus falaram movidos pelo Espírito Santo, revelando os mistérios divinos.

Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila para sabihin ang salita ng Diyos.

Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman

ang Makapangyarihang Panginoon

na hindi muna niya ipinababatid

sa kanyang mga lingkod na propeta.

Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Hesus. At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Diyos.

Profecias messiânicas cumpridas

As profecias do Antigo Testamento sobre o Messias se cumpriram em Jesus. Seu nascimento, ministério e sacrifício foram anunciados séculos antes.

Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel.

Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel" (na ang ibig sabihin ay "Kasama natin ang Diyos").

Ang Darating na Hari ng Jerusalem

"Magalak kayo,

kayong mga mamamayan ng Zion!

Sumigaw kayo sa tuwa,

kayong nasa Jerusalem!

Sapagkat ang inyong hari ay darating na.

Matuwid siya at matagumpay.

Mapagpakumbaba siya,

at darating na nakasakay

sa bisirong asno.

Itinuring na Matuwid sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Ngunit ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ang nagpapatotoo rito. Ang taoʼy itinuturing ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo. At walang kinikilingan ang Diyos. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Hesu-Kristo ay itinuturing niyang matuwid.

Discernimento profético

A Bíblia nos alerta para examinar tudo e reter o que é bom. Nem todo que profetiza fala da parte de Deus — devemos provar os espíritos.

Paano Makikilala ang mga Bulaang Propeta

Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo.

Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.

Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat upang malaman kung galing ito sa Diyos o hindi. Panghawakan ninyo ang mabuti, at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.

Mga Tunay at Bulaang Propeta

"Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo.

"Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.

Kung may kakayahan man akong magpropesiya at umunawa sa lahat ng hiwaga at lahat ng kaalaman, at kung mayroon man akong pananampalatayang kayang maglipat ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.

Kaya kayong mga Hentil ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan na itinayo sa pundasyong inilatag ng mga apostol at mga propeta, kung saan si Kristo Hesus ang batong panulok.

"Bumalik ka kay Ezequias, na pinuno ng mga mamamayan ko at sabihin mo ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng ninuno mong si David: Narinig ko ang panalangin mo at nakita ko ang mga luha mo kaya pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mula ngayon, makakabangon ka na at makakapunta ka sa Templo ng Panginoon.

Seja o primeiro