Pular para o conteúdo
Publicidade

Promessas

Por Bíblia Online

As promessas de Deus são firmes e verdadeiras. Nenhuma delas jamais falhou. A Bíblia é um livro de promessas — de amor, proteção, provisão e vida eterna para os que creem.

A fidelidade de Deus

De todas as boas promessas que o Senhor fez, nenhuma falhou. Ele é fiel para cumprir tudo o que prometeu desde a eternidade.

"Malapit na akong mamatay. Nalalaman nʼyo sa buong puso ninyoʼt kaluluwa na tinupad ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala, kahit isa na hindi niya tinupad.

Isipin ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ay iisang Diyos. Matapat siya at tinutupad niya ang kanyang kasunduan hanggang sa mga salinlahi ng mga nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga utos.

Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, sapagkat ang Diyos na nangako sa atin ay tapat.

At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito upang makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.

Promessas de cuidado e proteção

Deus prometeu estar conosco nas águas e no fogo, fortalecer-nos e nos segurar com a destra da sua justiça. Nada nos separará do seu amor.

Huwag kang mangamba,

sapagkat kasama mo ako;

huwag kang malungkot,

sapagkat ako ang iyong Diyos.

Palalakasin kita at tutulungan.

Aalalayan kita sa pamamagitan

ng kamay kong nagliligtas.

Kapag dumaan ka sa tubig,

akoʼy kasama mo.

Kapag tatawid ka sa mga ilog,

hindi ka malulunod.

Kapag dumaan ka sa apoy,

hindi ka masusunog;

at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,sabi ng Panginoon, mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.

Promessas de salvação e vida eterna

A promessa suprema de Deus é a vida eterna em Cristo. Quem crê no Filho tem a vida eterna e a certeza da ressurreição.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?"

Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.

Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.

Kaya si Kristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Diyos sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.

Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.

Aliança inabalável

Desde a aliança com Noé até a nova aliança em Cristo, Deus sempre cumpre sua Palavra. Ele nos restaura e nos aperfeiçoa pela graça.

Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig."

inilagay ko ang aking bahaghari sa mga ulap, at ito ang magiging palatandaan ng aking kasunduan sa inyo.

Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Hesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Diyos.

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.

Mga minamahal, dahil taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Diyos.

Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos.

Humingi, Humanap, Kumatok

"Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.

Ang pagsasanay ng katawan ay may mabuting naidudulot, ngunit ang banal na pamumuhay ay higit na kapakipakinabang, sapagkat itoʼy may pangako hindi lang sa buhay na ito, kundi maging sa buhay na darating.

Seja o primeiro