Publicidade

Protecção e segurança

Por Bíblia Online

Deus é nosso protetor e refúgio seguro. Em todas as circunstâncias, a Bíblia nos assegura que o Senhor guarda, sustenta e protege aqueles que nele confiam.

Deus, a nossa fortaleza

O Senhor é refúgio e fortaleza, socorro bem presente na angústia. Quem habita no esconderijo do Altíssimo descansa à sombra do Todo-Poderoso.

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora. Inaawit ito ng soprano.

Ang Diyos ang ating kanlungan

at kalakasan.

Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo

sa oras ng kagipitan.

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora. Inaawit ito ng soprano.

Ang Diyos ang ating kanlungan

at kalakasan.

Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo

sa oras ng kagipitan.

Ang sinumang nananahan

sa piling ng Kataas-taasang Diyos

na Makapangyarihan

ay kakalingain niya.

Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,

"Siya ang kumakalinga

at nagtatanggol sa akin.

Siya ang aking Diyos

at sa kanya ako nagtitiwala."

Iingatan ka niya

gaya ng pag-iingat ng inahin

sa kanyang mga inakay

sa pamamagitan ng kanyang pakpak.

Ang kanyang katapatan

ang iyong magiging pananggalang

at tanggulan.

Kahit libu-libo pa ang mamatay

sa paligid mo,

wala pa ring masamang mangyayari saʼyo.

Dahil ginawa mong kanlungan ang Panginoon,

ang Kataas-taasang Diyos na aking tagapagtanggol,

walang kasamaan, kalamidad

o anumang salot

ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.

Awit na isinulat ni David.

Ang Panginoon ang aking ilaw

at Tagapagligtas.

Sino ang aking katatakutan?

Siya ang nagtatanggol sa akin

kaya wala akong dapat katakutan.

Siya lang ang aking batong kanlungan

at kaligtasan.

Siya ang aking tanggulan,

kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Panginoon, kayo ang kanlungan

ng mga inaapi,

at kublihan sa panahon ng kahirapan.

O escudo do Senhor

Deus nos rodeia com sua proteção como um escudo. Ele é rocha, baluarte e libertador. Sua fidelidade nos cobre e nos guarda.

Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.

Pinagtatagumpay ninyo ako,

at ibinabalik ang aking pag-asa.

Awit na isinulat ni David nang takasan niya ang kanyang anak na si Absalom.

Panginoon, kay dami kong kaaway;

kay daming kumakalaban sa akin!

"Hindi siya ililigtas ng Diyos."

Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.

Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.

Pinagtatagumpay ninyo ako,

at ibinabalik ang aking pag-asa.

Tumawag ako sa inyo, Panginoon

at sinagot nʼyo ako

mula sa inyong banal na bundok.

At dahil iniingatan nʼyo ako,

nakakatulog ako at nagigising pa.

Hindi ako matatakot

kahit ilang libo pang kaaway

ang nakapalibot sa akin.

Ang pamamaraan nʼyo,

O Diyos ay walang kamalian.

Ang inyong mga salita ay maaasahan.

Kayoʼy katulad ng isang kalasag

sa mga kumakanlong sa inyo.

Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.

Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan

ng inyong kapangyarihan,

at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan,

kaya hindi ako natitisod.

Awit na isinulat ni David.

Purihin ang Panginoon na aking batong kanlungan.

Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban.

Siya ang aking Diyos na mapagmahal

at matibay na kanlungan.

Sa kanya ako kumakanlong

at humihingi ng kalinga.

Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.

Kayo ang nagbigay ng tagumpay sa mga hari

at nagligtas sa inyong lingkod na si David mula sa kamatayan.

Ngunit magalak nawa

ang lahat ng nanganganlong sa inyo;

magsiawit nawa sila

nang may kagalakan.

Ingatan nʼyo sila

na nagmamahal sa inyo,

upang silaʼy mapuno ng kagalakan.

Pinagpapala nʼyo Panginoon

ang mga matuwid.

Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag

na nag-iingat sa kanila.

O Diyos sa inyo akoʼy dumadalangin,

dahil alam kong akoʼy inyong diringgin.

Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.

Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig

sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa.

Alam ko, sa inyong kapangyarihan,

inyong inililigtas ang mga taong

nanganganlong sa inyo

mula sa kanilang mga kaaway.

Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingat

ng tao sa kanyang mga mata,

at kalingain nʼyo gaya ng inahing manok

sa kanyang mga sisiw sa ilalim

ng kanyang mga pakpak.

Ipagtanggol nʼyo po ako

sa aking mga kaaway

na nakapaligid sa akin

at nagtatangka sa aking buhay.

At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat,

Kataas-taasang Diyos,

hindi siya mabubuwal.

Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.

At kapag kayo ay dumating,

Panginoon,

lilipulin nʼyo sila.

Dahil sa galit nʼyo, siyaʼy tutupukin

na parang dayami

sa naglalagablab na apoy.

Kayo ang aking kublihan;

iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,

at pinalilibutan nʼyo ako

ng mga awit ng kaligtasan.

Segurança e provisão

O Senhor supre todas as necessidades dos seus filhos. Quem busca o Reino primeiro não precisa temer — nada faltará aos que temem ao Senhor.

Awit na isinulat ni David.

Ang Panginoon ang aking pastol,

hindi ako magkukulang ng anuman.

Kahit mga leon ay kukulangin

sa pagkain at magugutom,

ngunit hindi kukulangin

ng mabubuting bagay

ang mga nagtitiwala sa Panginoon.

Magtiwala ka sa Panginoon

at gumawa ng mabuti.

Sa gayon ay mananahan ka

nang ligtas sa lupaing ito.

Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,

ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan

na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon

o ang kanyang mga anak

ay namalimos ng pagkain.

At dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus, ibibigay sa inyo ng aking Diyos ang lahat ng pangangailangan ninyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at sundin ang kanyang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo.

Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi.

Humingi, Humanap, Kumatok

"Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya.

Guarda e livramento

O anjo do Senhor acampa ao redor dos que o temem e os livra. Deus promete guardar todas as nossas saídas e entradas para sempre.

Ang anghel ng Panginoon

ay nagbabantay

sa mga may takot sa Diyos,

at ipinagtatanggol niya sila.

Ngunit ililigtas ng Panginoon

ang kanyang mga lingkod,

at hindi parurusahan ang isa man

sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

Napapatanaw ako sa mga bundok;

saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,

na gumawa ng langit at ng lupa.

Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.

Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

Pakinggan mo ito!

Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.

Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;

siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.

Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.

Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;

pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,

ngayon at magpakailanman.

Awit na isinulat ni David. Isa itong miktam.

O Diyos, ingatan nʼyo po ako,

dahil sa inyo ako nanganganlong.

Awit na isinulat ni David. Isa itong miktam.

O Diyos, ingatan nʼyo po ako,

dahil sa inyo ako nanganganlong.

Panginoon palagi ko kayong iniisip,

at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Panginoon palagi ko kayong iniisip,

at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

Pakinggan nawa ng Panginoon ang iyong mga daing,

sa oras ng kaguluhan.

At sanaʼy ingatan ka

ng Diyos ni Jacob.

Sanaʼy tulungan ka niya

mula sa kanyang Templo roon sa Zion.

Iligtas nʼyo ako,

at ingatan ang aking buhay!

Nanganganlong ako sa inyo;

huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.

Iligtas nawa ako ng pamumuhay ko nang matuwid

at walang kapintasan,

sapagkat sa inyo ako umaasa.

Ang mga kabayo ay hindi maaasahan

na maipanalo ang digmaan;

hindi sila makapagliligtas sa kabila

ng kanilang kalakasan.

Ngunit binabantayan ng Panginoon

ang mga may takot sa kanya,

sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan,

at sa panahon ng taggutom,

silaʼy kanyang inaalalayan.

Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon.

Siya ang tumutulong at nagtatanggol sa atin.

Confiança inabalável

Melhor é confiar no Senhor do que confiar no homem. Quem anda em integridade anda seguro, e a torre forte do nome do Senhor protege o justo.

Kasama ko ang Panginoon,

kaya hindi ako matatakot.

Ano ang magagawa ng tao sa akin?

Mas mabuti pang manalig sa Panginoon,

kaysa magtiwala sa tao.

Ang Panginoon ay katulad

ng toreng matibay,

kanlungan ng mga matuwid

sa oras ng panganib.

Ang Panginoon ay katulad

ng toreng matibay,

kanlungan ng mga matuwid

sa oras ng panganib.

Ang taong may takot sa Panginoon

ay may kasiguraduhan

at siya ang kanlungan

ng kanyang sambahayan.

dahil makakaasa kang babantayan ka

ng Panginoon

at ilalayo sa kapahamakan.

May kapayapaan ang taong namumuhay

nang matuwid,

ngunit ang masama ang pamumuhay

ay malalantad.

Ang bawat salita ng Diyos

ay tunay na mapagkakatiwalaan.

Siya ay tulad ng panangga

sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.

Ang bawat salita ng Diyos

ay tunay na mapagkakatiwalaan.

Siya ay tulad ng panangga

sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.

Ang taong walang kapintasan

ay iingatan dahil sa kanyang

matuwid na pamumuhay,

ngunit ang makasalanan

ay mapapahamak

dahil sa kanyang kasamaan.

Ang taong matuwid

ay makakakain ng sapat,

ngunit ang masasamâ

ay magugutom.

Sapagkat ang Panginoon

ang nagbibigay ng karunungan,

kaalaman, at ng pang-unawa.

Pinagtatagumpay niya

ang taong matuwid,

siyaʼy kalasag

ng mga walang kapintasan.

Sapagkat siya ang nagbabantay

sa kanilang daraanan,

at ang kanilang landas

ay kanyang iingatan.

Ang taong maalam ay umiiwas

sa paparating na panganib,

ngunit ang taong wala sa katinuan

ay sumusuong sa panganib,

kaya siya ay napapahamak.

Kahit nakahanda na ang mga kabayo

para sa digmaan,

ang Panginoon pa rin

ang nagbibigay ng katagumpayan.

Higit sa lahat, ingatan mo

ang iyong isipan,

sapagkat kung ano ang iyong iniisip

iyon din ang magiging buhay mo.

A presença protetora

O Senhor prometeu estar conosco e nunca nos desampara. Ele é como sombra à nossa direita e fortaleza em todo o tempo.

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."

Ang walang hanggang Diyos

ang inyong kanlungan;

palalakasin niya kayo

sa pamamagitan ng walang hanggan

niyang kapangyarihan.

Palalayasin niya

ang inyong mga kaaway

sa inyong harapan,

at iuutos niya sa inyo,

Lipulin ninyo sila.

Sinabi ni Moises

tungkol sa lahi ni Benjamin,

"Ang minamahal ng Panginoon

ay naninirahan ng ligtas

sa piling niya.

Inilalayo niya sila sa kapahamakan

at nananahan sa kanilang kalagitnaan."

Walang anumang sandatang nagawa

ang magtatagumpay laban sa iyo,

at masasagot mo

ang anumang ibibintang laban sa iyo.

Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod.

Bibigyan ko sila ng tagumpay,"

sabi ng Panginoon.

Panginoon, bigyan nʼyo

nang lubos na kapayapaan

ang taong kayo lagi ang iniisip

dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Aalagaan ko kayo hanggang

sa kayoʼy tumanda

at pumuti ang inyong buhok.

Ako, ako ang siyang

tutulong sa inyo.

Nilikha ko kayo

kaya kayoʼy aalagaan ko.

Tutulungan ko kayo

at ililigtas.

Ako ang Panginoon ng mga Hukbo,

babantayan ko ang Jerusalem

na parang ibong nagbabantay

sa kanyang pugad.

Iingatan ko ito, ililigtas,

at hindi pababayaan."

Matuto kayong gumawa ng mabuti

at sikaping pairalin ang katarungan.

Tulungan ninyo ang mga inaapi;

ipagtanggol ang karapatan

ng mga ulila at mga biyuda."

Kung susunod lang kayo sa akin

ay pagpapalain ko kayo.

Ngunit kung patuloy

kayong magrerebelde,

tiyak na mamamatay kayo."

Mangyayari nga ito

dahil sinabi ng Panginoon.

Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa."

Ang Panginoon ay mabuti;

matibay siyang kanlungan

sa oras ng kagipitan,

at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.

Promessas de cuidado

Deus garante que nem um fio de cabelo cairá sem sua permissão. Ele deseja que vivamos em paz, confiança e segurança total nele.

Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama. Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.

Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo."

Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit hindi kayo mapapahamak. At kung magpapakatatag kayo, magkakaroon kayo ng buhay.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Noong isinugo ko kayo na walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?"

Sumagot sila, "Hindi po."

Tayoʼy Higit pa sa mga Nagtagumpay

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin,

"Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,

kaya hindi ako matatakot.

Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?"

Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo.

Kaya nga, huwag tayong maging katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili.

Fidelidade e aliança

Deus é fiel à sua aliança. Ele protege cada promessa que faz e guarda os seus como a menina dos seus olhos.

Ngunit matapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa masama.

At matatanggap natin ang anumang hilingin natin sa kanya, dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.

Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban. At kung alam nating pinakikinggan tayo ng Diyos, nakakatiyak tayong matatanggap natin ang anumang hilingin natin.

Alam nating ang sinumang naging anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan, sapagkat iniingatan siya ng Anak ng Diyos at hindi siya maaaring saktan ng diyablo.

At ngayon, babalik na ako sa iyo at hindi na ako mananatili rito sa mundo, pero sila ay mananatili pa sa mundo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay mo sa akin. Iningatan ko sila at walang napahamak sa kanila maliban sa taong itinakdang mapahamak upang matupad ang Kasulatan.

Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama.

Kayo lang, Panginoon,

ang tunay na Diyos, at wala nang iba.

At kayo lang talaga

ang aming Batong kanlungan.

Nawa poʼy ikalugod nʼyo na pagpalain ang sambahayan ko para magpatuloy silang manahan sa inyong presensya magpakailanman, dahil ito po ang ipinangako ninyo, O Makapangyarihang Panginoon. At sa pagpapala ninyong ito, pinagpala ang aking angkan, magpakailanman."

Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya.

Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo.

" Sundin ninyo ang mga tuntunin at utos ko para kayoʼy mamuhay ng mapayapa sa lupaing inyong titirhan at hindi kayo mawawalan ng pagkain dahil sa masaganang ani ng lupain.

Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig."

Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman

ang Makapangyarihang Panginoon

na hindi muna niya ipinababatid

sa kanyang mga lingkod na propeta.

Provisão diária

Deus satisfaz os desejos do coração dos seus filhos. Ele abençoa, renova as forças e sustenta dia após dia quem nele confia.

Panginoon, huwag nʼyong pigilin

ang awa nʼyo sa akin.

Ang inyong pag-ibig at katapatan

ang laging mag-iingat sa akin.

Ibigay mo sa Panginoon

ang iyong mga alalahanin

at ikaw ay kanyang kakalingain.

Hindi niya pababayaan

ang mga matuwid, magpakailanman.

Ngunit ako ay aawit

tungkol sa inyong kapangyarihan.

Tuwing umaga, akoʼy aawit

nang may kagalakan

tungkol sa inyong pag-ibig.

Sapagkat kayo ang aking kanlungan

sa oras ng kagipitan.

Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.

Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.

Ngunit ang lahat ng sinungaling

ay patatahimikin ng Diyos!

Awitan ninyo ang Diyos,

awitan ninyo siya ng mga papuri.

Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap.

Ang kanyang pangalan ay Panginoon.

Magalak kayo sa kanyang harapan!

Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan

ang siyang nangangalaga sa mga ulila

at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Purihin ang Panginoon,

ang Diyos na ating Tagapagligtas na tumutulong

sa ating mga suliranin sa bawat araw.

Ako ang Panginoon

na inyong Diyos.

Ako ang naglabas sa inyo

mula sa lupain ng Ehipto.

Humingi kayo sa akin

at ibibigay ko sa inyo

ang mga pangangailangan ninyo.

Dahil kayo Panginoong Diyos

ay tulad ng araw na nagbibigay-liwanag sa amin

at pananggalang na nag-iingat sa amin.

Pinagpapala nʼyo rin kami

at pinararangalan

Hindi nʼyo ipinagkakait

ang mabubuting bagay

sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kayong mga umiibig sa Panginoon

ay dapat mamuhi sa kasamaan.

Dahil iniingatan ng Panginoon

ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan

at inililigtas niya sila sa masasama.

Iniingatan ng Panginoon

ang mga kulang sa kaalaman.

Nang wala na akong magawa,

akoʼy iniligtas niya.

Magpapakatatag ako,

dahil ang Panginoon

ay mabuti sa akin.

Sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan,

sa kalungkutan at kapahamakan.

Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buháy.

Kayo ang kanlungan

at pananggalang ko;

sa inyong mga salitaʼy umaasa ako.

Awit na isinulat ni Solomon para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

Kung wala ang tulong ng Panginoon

sa pagtayo ng bahay,

walang kabuluhan ang pagtatayo nito.

Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan,

walang kabuluhan ang pagbabantay dito.

"Paghahariin ko sa Zion ang haring

mula sa angkan ni David,

at gagawin ko siyang parang ilawan

na pumapatnubay sa mga tao.

Hihiyain ko ang kanyang mga kaaway,

ngunit pauunlarin ko ang kaharian niya."

Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin.

Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan.

Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.

Sapat ang inyong ibinibigay

at silaʼy lubos na nasisiyahan.

Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi,

at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom.

Pinalalaya ng Panginoon

ang mga bilanggo.

Pinagagaling niya ang mga bulag

upang makakita,

pinalalakas ang mga nanghihina,

at ang mga matuwid ay minamahal niya.

Iniingatan niya ang mga dayuhan,

tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda,

ngunit hinahadlangan niya

ang mga kagustuhan ng masasamâ.

Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,

sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.

Isuot ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos upang malabanan ninyo ang masasamang plano ng diyablo.

Isuot ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos upang malabanan ninyo ang masasamang plano ng diyablo. Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.

"Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako.

"At itinatanong ninyo, Paano namin kayo ninanakawan?

"Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu ng ikapu ng kanilang mga ani at mga hayop (Lev. 27:30-33; Deu. 14:22-29). at mga handog. Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa. Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. "Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.

Pagpapalain ko sila at ang mga lugar sa paligid ng aking banal na bundok. Padadalhan ko sila ng ulan sa tamang oras bilang pagpapala sa kanila.

Ang karunungan ay mabuti

gaya ng isang pamana,

pareho itong nakakatulong

sa mga namumuhay dito sa mundo.

Nagbibigay din ito ng proteksyon

gaya ng pera.

Pero higit pa roon,

iniingatan nito ang buhay

ng nagtataglay nito.

Sa ganito rin namang paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga tumanggap ng Magandang Balita ay dapat tumulong sa mga pangangailangan ng mga nangangaral ng Magandang Balita upang mabuhay sila.

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.

Sapagkat pagpapahingahin ko ang mga napapagod at bubusugin ko ang mga nanghihina dahil sa gutom."

Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-