Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 62

Para kay Jedutun, ang direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Sa Diyos lang ako may kapahingahan;

Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.

2 Siya lang ang aking batong kanlungan

at kaligtasan.

Siya ang aking tanggulan,

kaya ligtas ako sa kapahamakan.

3 Kayong mga kaaway ko,

hanggang kailan kayo sasalakay

upang akoʼy patayin?

Tulad koʼy pader

na malapit nang magiba

at bakod na malapit nang matumba.

4 Gusto lamang ninyong maalis ako

sa aking mataas na katungkulan.

Tuwang-tuwa kayo sa pagsisinungaling.

Kunwariʼy pinupuri ninyo ako

ngunit sa puso ninyoʼy isinusumpa ako.

5 Sa Diyos ko lang matatamo

ang kapahingahan

dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.

6 Siya lang ang aking batong kanlungan

at kaligtasan.

Siya ang aking tanggulan

kaya ligtas ako sa kapahamakan.

7 Nasa Diyos ang aking kaligtasan

at karangalan.

Siya ang matibay kong batong kanlungan.

Siya ang nag-iingat sa akin.

8 Kayong mga mamamayan ng Diyos,

magtiwala kayo sa kanya

sa lahat ng oras!

Sabihin sa kanya ang lahat

ng inyong suliranin,

dahil siya ang ating kanlungan.

9 Ang tao, dakila man o mangmang

ay hindi mapagkakatiwalaan.

Pareho lang silang walang kabuluhan.

Magaan pa sila kaysa sa hangin

kapag tinimbang.

10 Huwag kayong umasa sa perang nakuha

sa pangingikil at pagnanakaw.

Dumami man ang inyong kayamanan,

huwag ninyo itong mahalin.

11 Hindi lang isang beses kong narinig

na sinabi ng Diyos na nasa kanya

ang kapangyarihan

12 at tapat ang kanyang pag-ibig.

Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon

ang tao ayon sa kanyang mga ginawa.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.