Recompensa
Deus recompensa os que o buscam com fé. A Bíblia está repleta de promessas de recompensa para os fiéis, os generosos, os perseverantes e os que servem ao Senhor de todo coração.
Deus recompensa a fé
Sem fé é impossível agradar a Deus, porque quem dele se aproxima precisa crer que Ele existe e recompensa os que o buscam diligentemente.
Kung walang pananampalataya, walang sinuman ang makapagbibigay-lugod sa Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Diyos at binibigyan niya ng gantimpala ang mga taong humahanap sa kanya.
Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.
Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.
Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.
"Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.
Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo.
Recompensa pelo serviço
O Senhor vê cada ato de fidelidade e promete galardão aos que servem com dedicação. O servo bom e fiel será honrado.
"Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’
Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Sapagkat nalalaman ninyong may tatanggapin kayong pamana bilang gantimpala mula sa Panginoon. Ang Kristong Panginoon ang inyong pinaglilingkuran.
Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Maging masigasig kayo sa paggawa para sa gawaing ipinagkatiwala sa inyo ng Panginoon, sapagkat alam ninyong hindi masasayang ang paghihirap para sa kanya.
Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahoʼy matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.
Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila."
Sapagkat ibibigay ng Diyos sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa.
Generosidade e provisão
Quem dá com generosidade receberá em abundância. Deus supre todas as necessidades segundo as suas riquezas em glória.
Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."
At kung ang gagawan lang ninyo ng mabuti ay ang mga taong mabuti sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Ginagawa rin iyan ng mga makasalanan.
Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin nʼyo ang mga patay, pagalingin nʼyo ang mga may malubhang sakit sa balat, at palayasin nʼyo ang mga demonyo. Tinanggap nʼyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.
At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa.
Ang masamang tao
ay hindi tatanggap
ng tunay na gantimpala,
ngunit ang gumagawa ng matuwid
ay tatanggap ng tunay na gantimpala.
Ang paggalang sa Panginoon
at pagpapakumbaba
ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay,
kayamanan at karangalan.
Manatili kang mapagmahal at matapat;
alalahanin mo itong lagi
at itatak sa iyong isipan.
Kapag ginawa mo ito,
malulugod ang Diyos
pati na ang mga tao.
Madaling makikipagkita
sa iyo ang dakilang tao
kapag may dala kang regalo
para sa kanya.
O que Deus reservou para os seus
Olhos não viram, ouvidos não ouviram o que Deus preparou para os que o amam. Suas recompensas eternas superam toda imaginação.
Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan:
"Wala pang mga matang nakakita,
wala ring mga taingang nakarinig,
at wala pang taong nakaisip
sa mga bagay na inihanda ng Diyos
para sa mga nagmamahal sa kanya."
Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan upang maunawaan ninyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga hinirang.
Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin upang makapamuhay tayong may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan.
At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay.
ngunit ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw. Dahil ang tubig na ibibigay ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan."
Hanggang ngayon ay wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo at makakatanggap kayo, upang malubos ang inyong kagalakan.
Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.
Nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Diyos na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Buscar, pedir, perseverar
Jesus ensinou: pedi e recebereis, buscai e achareis. Deus se alegra em dar boas dádivas aos seus filhos que pedem com fé.
Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad
na tuparin ang kalooban ng Diyos,
sapagkat silaʼy masisiyahan.
"Kaya kapag nagbibigay kayo ng limos, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao sa mga sinagoga at sa mga daan para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Sa halip, kapag mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kuwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.
Gawin na lamang ninyo ang mabuti
at huwag ang masama para mabuhay kayo,
at sasamahan kayo
ng Panginoong Diyos
ng mga Hukbo,
gaya nang inyong sinasabi.
Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo
at nanalangin,
kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa
na uhaw sa tubig.
Contentamento e eternidade
A verdadeira recompensa está na vida que Deus dá. O presente do trabalho, a satisfação no labor e a alegria no Senhor são dádivas de Deus.
Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Gusto ng Diyos na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.
Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao sa maiksing buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos ay kumain, uminom at magpakasaya sa kanyang pinaghirapan habang siyaʼy nabubuhay, dahil para naman talaga sa kanya ang mga iyon.
Binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng mga pag-aari at kayamanan. Hinahayaan niyang pakinabangan nila ang mga ito para matanggap nila ang para sa kanila at magpakasaya sa mga pinaghirapan nila. Ito ang regalo ng Diyos sa kanila.
Mamuhay kayo ayon sa iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at masagana roon sa lupaing inyong sasakupin.
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.
Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo.
Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Tungkol naman sa inyo, ang Banal na Espiritung ipinagkaloob sa inyo ni Kristo ay nananatili sa inyo, at hindi na kayo kailangang turuan pa ng iba, sapagkat siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. At ang mga itinuturo niya ay pawang katotohanan, at walang kasinungalingan. At tulad ng itinuro niya sa inyo, manatili kayo kay Kristo.
Saksi kami na ang lahat ng ito ay totoo, at ganoon din ang Banal na Espiritu na ibinigay ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa kanya."
Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Pumunta ka rito sa akin sa itaas ng bundok at maghintay, dahil ibibigay ko sa iyo ang malalapad na batong sinulatan ko ng mga kautusan at tuntunin ko upang ituro sa mga tao."