Reino
O Reino de Deus é o tema central da pregação de Jesus. Desde o início de seu ministério, Ele proclamou: 'Arrependei-vos, porque é chegado o Reino dos céus.'
O anúncio do Reino
Jesus inaugurou seu ministério proclamando a chegada do Reino. Ele convida todos ao arrependimento e à fé nessa nova realidade.
Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, "Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit."
Sinabi niya, "Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Diyos. Pagsisihan at talikuran na ninyo ang inyong mga kasalanan, at maniwala kayo sa Magandang Balita!"
Pagalingin ninyo ang mga may sakit doon, at sabihin ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Diyos sa kanila.
Napakagandang pagmasdan
sa kabundukan
ang mga sugong dala-dala
ang magandang balita;
balita na naghahayag ng kapayapaan,
at nagsasaad ng kabutihan
tungkol sa pagliligtas ng Diyos.
Sasabihin nila sa Zion,
"Naghahari na ang iyong Diyos!"
A natureza do Reino
O Reino de Deus é governo soberano do Senhor sobre todas as coisas. Ele é o Rei eterno, imortal e invisível.
Sa nag-iisang Diyos, ang Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita; sa kanya ang papuri at kaluwalhatian, magpakailanman. Amen.
Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan
ang kapurihan, katagumpayan at karangalan!
Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa.
Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!
Sino ang dakilang Hari?
Ang Panginoon ng mga Hukbo;
Siya ang dakilang Hari!
Gagawin ito ng Panginoon
dahil siya ang ating hukom, mambabatas,
at siya ang ating hari.
Siya ang magliligtas sa atin.
Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Diyos at wala nang iba.
Entrar no Reino
Para entrar no Reino é preciso nascer de novo, tornar-se como criança e buscar primeiro a justiça de Deus acima de tudo.
Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli."
Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.
Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at sundin ang kanyang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo.
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Pinagpala ang mga taong inuusig
dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit."
Cidadãos do Reino
Os cristãos são concidadãos dos santos e membros da família de Deus, chamados a viver dignamente do Reino que receberam.
Kaya kayong mga Hentil ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan na itinayo sa pundasyong inilatag ng mga apostol at mga propeta, kung saan si Kristo Hesus ang batong panulok.
Kayamanan sa Langit
"Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.
Mapalad at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan. Magiging mga pari sila ng Diyos at ni Kristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
Hindi ba ninyo alam na hindi mapapabilang ang mga masasama sa kaharian ng Diyos? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang mga imoral, sumasamba sa diyos-diyosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae. Gayundin naman ang mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga maninirang-puri at mga mandarambong ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.