Pular para o conteúdo
Publicidade

O sangue de Jesus

Por Bíblia Online

O sangue de Jesus é o fundamento da redenção cristã. Através do seu sangue derramado na cruz, recebemos perdão, purificação e acesso à presença de Deus.

O poder redentor do sangue

O sangue de Cristo é o preço do nosso resgate. Sem derramamento de sangue não há remissão de pecados, e Cristo ofereceu o sacrifício perfeito e definitivo.

Ayon sa Kautusan, nililinis sa pamamagitan ng dugo ang halos lahat ng bagay na ginagamit sa pagsamba. At kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Diyos, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan.

Ayon sa Kautusan, kung itinuturing na marumi ang isang tao, kailangan siyang wisikan ng dugo ng kambing at toro, at ng abo ng dumalagang baka para maging malinis. Kung nakakalinis ang mga ito, higit na nakakalinis ang dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay ni Kristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Diyos. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan upang matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buháy.

dahil hindi makapag-aalis ng kasalanan ang dugo ng mga toro at kambing na inihahandog nila.

Ganyan din ang nangyari kay Hesus. Pinatay siya sa labas ng kampo upang malinis niya ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Lumapit kayo kay Hesus na siyang tagapamagitan natin sa Diyos sa bagong kasunduan. Ang kasunduang itoʼy pinagtibay ng kanyang dugo na higit na mabuti kaysa sa dugo ni Abel na humihingi ng katarungan.

Perdão e purificação

O sangue de Jesus nos purifica de todo pecado. Nele temos redenção e perdão, segundo as riquezas de sua graça.

Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.

Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Ngunit kayo ngayon ay nakay Kristo Hesus na. Malayo kayo noon sa Diyos, pero ngayon ay malapit na sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Kristo.

dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao.

Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia.

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa.

Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

Isinugo ng Diyos si Kristo Hesus sa mundo upang ialay ang kanyang buhay, nang sa gayoʼy mawala ang galit ng Diyos sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Diyos upang ipakita na siya ay matuwid, sapagkat noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila.

At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Diyos dahil kay Kristo.

O sangue da aliança

Desde o Êxodo, o sangue é sinal de aliança entre Deus e seu povo. O sangue do Cordeiro pascal prefigurava o sacrifício supremo de Cristo.

Pagkatapos, ipinatawag ni Moises ang lahat ng pinuno ng Israel at sinabi, "Pumili kayo ng isang batang tupa o kambing para sa pamilya ninyo at katayin ito upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel. Patuluin ninyo ang dugo nito sa mangkok. Pagkatapos, kumuha kayo ng mga sanga ng isopo at isawsaw ito sa dugo, at ipahid sa ibabaw at gilid ng hamba ng pintuan ninyo. At walang lalabas sa mga bahay ninyo hanggang umaga. Dahil dadaan ang Panginoon sa Ehipto upang patayin ang mga panganay na lalaking mga Ehipsiyo. Ngunit kapag nakita ng Panginoon ang dugo sa ibabaw at sa gilid ng hamba ng mga pintuan ninyo, lalampasan lang niya ang mga bahay ninyo at hindi niya papayagan ang Mamumuksa na pumasok sa mga bahay ninyo at patayin ang inyong mga panganay na lalaki.

Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa dugo nito at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo sa altar ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan.

"Ngunit huwag ninyong kakainin ang hayop na nang mamatay ay hindi lumabas ang dugo, dahil ang dugo ay simbolo ng buhay. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa inyo, kahit ang mga hayop. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa kanyang kapwa.

Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa

ay papatayin din ng kanyang kapwa.

Sapagkat ang tao

ay ginawa ng Diyos na kawangis niya.

"Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo sa lupaing inyong tinitirhan. Dahil ang pagpatay ay makakapagparumi sa lupain na inyong tinitirhan at walang makapaglilinis nito maliban sa dugo ng taong nakapatay.

Vitória pelo sangue

Os cristãos vencem o acusador pelo sangue do Cordeiro e pela palavra do seu testemunho. O sangue comprou para Deus gente de toda tribo e língua.

Nagtagumpay na ang ating mga kapatid

sa pamamagitan ng dugo ng Kordero

at ng kanilang patotoo.

Hindi nila pinahalagahan ang kanilang buhay

maging sa harap ng kamatayan.

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.

Bantayan ninyo ang inyong sarili at ang mga mananampalatayang itinalaga ng Banal na Espiritu sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sarili niyang dugo.

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.

Si Hesu-Kristo ang pumarito sa mundo sa pamamagitan ng tubig nang magpabautismo siya at sa pamamagitan ng dugo nang mamatay siya. Hindi lang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. At ang mga bagay na itoʼy pinatotohanan sa atin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.

Seja o primeiro