Publicidade

Santidade

Por Bíblia Online

A santidade é o chamado supremo de Deus para o seu povo. 'Sede santos, porque eu sou santo' — essa ordem ressoa por toda a Escritura, convidando-nos a uma vida separada para Deus.

O chamado à santidade

Deus nos escolheu antes da fundação do mundo para sermos santos. A santificação é sua vontade expressa e nosso destino em Cristo.

Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, "Magpakabanal kayo dahil banal ako."

Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, "Magpakabanal kayo dahil banal ako."

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espirituwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo na maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,

Nais ng Diyos na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Huwag ninyong abusuhin o kayaʼy pagsamantalahan ang inyong kapatid sa bagay na ito dahil paparusahan ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon pa. Tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.

Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo.

O Deus santo

O Senhor é santo em toda a sua natureza. O universo testemunha sua santidade, e os anjos proclamam: Santo, Santo, Santo.

Ngunit banal ka,

at nakaluklok ka

sa iyong trono,

at pinupuri ng mga Israelita.

"Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon;

wala kayong katulad;

walang Batong kanlungan

na tulad mo aming Diyos.

Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos,

ang Banal na Diyos

na nabubuhay magpakailanman:

"Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,

at kasama ng mga taong

mapagpakumbaba at nagsisisi,

at silaʼy aking palalakasin

at bubuhayin ang kanilang kalooban.

Sa ganitong paraan ipapakita ko ang aking kapangyarihan at kabanalan sa lahat ng bansa. At malalaman nila na ako ang Panginoon."

Ipapakita ko ang kabanalan ng marangal kong pangalan sa mga bansa kung saan nilapastangan ninyo ito. At malalaman ng mga bansang iyon na ako ang Panginoon kapag ipinakita ko sa kanila ang aking kabanalan sa pamamagitan ng gagawin ko sa inyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

A prática da santidade

A santidade se expressa em pensamentos puros, ações corretas e separação do pecado. É um processo contínuo de purificação e dedicação a Deus.

Mga Babala at Bilin

Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

Mga Babala at Bilin

Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

Mga minamahal, dahil taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Diyos.

Mga minamahal, dahil taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Diyos.

Ngunit pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Diyos. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan.

Ginagamit kong halimbawa ang tungkol sa mga alipin upang madali ninyong maunawaan ang ibig kong sabihin. Noong unaʼy nagpaalipin kayo sa karumihan at kasamaan, at naging masama nga kayo. Ngayon namaʼy magpaalipin kayo sa kabutihan upang maging banal kayo.

Handog na Buháy

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Diyos, na ialay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buháy, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: Mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila.

Hindi kayo dapat maparatangan na gumagawa ng kahit anong seksuwal na imoralidad, kalaswaan o kasakiman, dahil hindi ito nararapat sa mga hinirang ng Diyos.

Hindi kayo dapat maparatangan na gumagawa ng kahit anong seksuwal na imoralidad, kalaswaan o kasakiman, dahil hindi ito nararapat sa mga hinirang ng Diyos.

iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali, at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.

Noong unaʼy hiwalay kayo sa Diyos, at kayoʼy mga kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. Subalit ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Kristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan. Ngunit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

A Palavra que santifica

Jesus disse: 'Santifica-os na verdade; a tua palavra é a verdade.' A Bíblia é o instrumento de Deus para nos purificar e transformar.

Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.

Paano mapapanatili ng isang kabataan

na dalisay ang kanyang buhay?

Sa pamamagitan ng pamumuhay niya

ayon sa inyong salita.

O Diyos, siyasatin ninyo ako,

upang malaman ninyo ang nasa puso ko.

Subukin ninyo ako, at alamin

ang aking mga iniisip.

Tingnan ninyo kung ako

ay may masamang pag-uugali,

at patnubayan ninyo ako

sa daang dapat kong tahakin

magpakailanman.

Awit na isinulat ni David.

Pupurihin ko ang Panginoon!

Buong buhay kong pupurihin

ang kanyang kabanalan.

Templo do Espírito Santo

Nosso corpo é templo de Deus. Devemos honrá-lo com santidade, guardando mente e coração e buscando a semelhança com Cristo.

Hindi ba ninyo alam na kayoʼy templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo?

Sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, kayong mga ibinukod upang maging kanya sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus, mga hinirang, na ang ibig sabihin ay "itinuring ng Diyos na kanya." Ganito rin sa ibang bahagi ng aklat na ito. niyang maging banal na mga tao niya, kasama ang lahat saan mang lugar na kumikilala sa ating Panginoong Hesu-Kristo na Panginoon nating lahat:

Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

Ang Pagpapakumbaba ni Kristo

Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

Bagamaʼt siya ay Diyos,

hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos

bilang isang bagay na dapat panghawakan.

Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin.

At sa pagiging tao niya,

nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,

maging sa kamatayan sa krus.

Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos

at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,

upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri

ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.

At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon,

sa ikapupuri ng Diyos Ama.

Magsilbi Kayong Ilaw na Nagliliwanag

Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.

Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.

Si Timoteo at si Epafroditus

Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko diyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, upang masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan, sa halip na ang mga bagay ukol kay Hesu-Kristo. Ngunit alam ninyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita. Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito. At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin sa inyo ang kapatid nating si Epafrodito na pinapunta ninyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at kapwa kawal ng Diyos. Sapagkat, sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Diyos sa kanya at maging sa akin, upang hindi madagdagan ang aking kalungkutan. Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita na ninyo ulit siya, at hindi na rin ako mag-aalala. Kaya tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya, dahil nalagay sa panganib ang kanyang buhay para sa gawain ni Kristo. Itinaya niya ang kanyang buhay upang matulungan ako bilang kinatawan ninyo.

Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit."

Ang Talinghaga tungkol sa Ilaw

"Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.

Gawin na lamang ninyo ang mabuti

at huwag ang masama para mabuhay kayo,

at sasamahan kayo

ng Panginoong Diyos

ng mga Hukbo,

gaya nang inyong sinasabi.

Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

At ang pagkilala sa Banal na Diyos

ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

Bago mangako sa Diyos

ay isiping mabuti,

baka magsisi ka sa bandang huli.

Kayoʼy magpakabanal dahil ako, ang Panginoon ay banal. At kayoʼy hinirang ko mula sa ibang mga bansa para maging akin.

Kayoʼy magpakabanal dahil ako, ang Panginoon ay banal. At kayoʼy hinirang ko mula sa ibang mga bansa para maging akin.

" Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.

Awitan ninyo ang Diyos,

awitan ninyo siya ng mga papuri.

Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap.

Ang kanyang pangalan ay Panginoon.

Magalak kayo sa kanyang harapan!

Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan

ang siyang nangangalaga sa mga ulila

at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-