Sonhos
Sonhos aparecem em toda a Bíblia como meio de revelação divina. Deus falou através de sonhos a patriarcas, profetas e servos, mas também alertou contra falsos sonhadores.
Sonhos como revelação divina
Deus usou sonhos para comunicar sua vontade a homens e mulheres ao longo da história bíblica, revelando caminhos e mistérios.
sinabi ng Panginoon sa kanila, "Pakinggan ninyo ito:
Kapag may propeta sa inyo,
ako, ang Panginoon,
ay nakikipag-usap sa kanya
sa pamamagitan ng pangitain
at panaginip.
"At pagkatapos, ibibigay ko
ang aking Espiritu sa lahat ng tao.
Ang inyong mga anak na lalaki at babae
ay magpapahayag ng mga propesiya.
Ang inyong matatandang lalaki
ay mananaginip,
at ang inyong mga binata
ay makakakita ng mga pangitain.
Kaya tumayo si Pedro kasama ang Labing-isa, at nagsalita nang malakas sa mga taong nandoon, "Mga kababayan kong mga Hudyo, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, makinig kayong mabuti sa akin, dahil ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito. Hindi lasing ang mga taong ito gaya ng inaakala ninyo, dahil alas nuwebe pa lang ng umaga. Ang pangyayaring itoʼy katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel noon:
‘Sinabi ng Diyos, "Sa mga huling araw,
ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao.
Ang inyong mga anak na lalaki at babae
ay magpapahayag ng mga propesiya;
ang inyong mga binata
ay makakakita ng mga pangitain;
at ang inyong matatandang lalaki
ay magkakaroon ng mga panaginip.
Binigyan ng Diyos ang apat na kabataang ito ng karunungan at pang-unawa, pati na ang kaalaman sa ibaʼt ibang literatura. Bukod pa rito, binigyan ng Diyos si Daniel ng karunungan sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga pangitain at mga panaginip.
Tinanong ng hari si Daniel na tinatawag ding Beltesazar, "Talaga bang mahuhulaan mo ang aking panaginip at maipapaliwanag ang kahulugan nito?"
Sumagot si Daniel, "Mahal na Hari, wala pong sinumang marunong katulad ng mga mangkukulam, engkantador, o manghuhula ang makakapagpaliwanag ng inyong panaginip. Ngunit may Diyos sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa Haring Nebucadnezar sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip.
Sonhos na história da Bíblia
De José no Egito a José pai de Jesus, Deus guiou a história da salvação através de sonhos, protegendo e dirigindo seu povo.
Sumagot sila, "Nanaginip kasi kami ngunit walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito."
Sinabi ni Jose, "Ang Diyos ang nagbibigay ng kaalaman sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip. Sige, sabihin nʼyo sa akin kung ano ang mga panaginip ninyo."
Sinabi ng Faraon sa kanya, "Nanaginip ako ngunit walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito. May nagsabi sa akin na marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip."
Sumagot si Jose, "Hindi po ako, Mahal na Hari, kundi ang Diyos ang siyang magbibigay ng kahulugan ng mga panaginip ninyo para sa ikabubuti ninyo."
Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu. Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus" dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
Habang nakaupo si Pilato sa hukuman, nagpadala ang kanyang asawa ng ganitong mensahe: "Huwag mong pakialaman ang taong iyan na walang kasalanan, sapagkat nabagabag ako nang husto dahil sa panaginip ko tungkol sa kanya."
Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion
ang mga nabihag,
itoʼy parang panaginip lamang.
Sabedoria sobre sonhos
A Bíblia ensina discernimento: nem todo sonho vem de Deus. Devemos entregar nossos planos ao Senhor e confiar na direção dele.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon
ang mga gagawin mo,
at magtatagumpay ka
sa iyong mga plano.
Marami tayong mga pinaplano,
ngunit ang kalooban pa rin
ng Panginoon ang masusunod.
Kung may isang propeta o tagapagpaliwanag ng panaginip na nangako sa inyo, na magpapakita siya ng mga himala at kamangha-manghang bagay, at nangyari ang sinabi niya, at sabihin niya sa inyo, "Sumunod tayo at sumamba sa ibang mga diyos na hindi pa natin nakikilala." Huwag kayong maniwala sa kanya, dahil sinusubukan lang kayo ng Panginoon na inyong Diyos kung minamahal nʼyo ba siya nang buong pusoʼt kaluluwa. Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.
"Narinig ko ang mga sinabi ng mga propetang nagsasalita ng kasinungalingan sa pangalan ko. Sinasabi nilang binigyan ko raw sila ng mensahe sa pamamagitan ng panaginip. Hanggang kailan pa kaya magsasalita ng kasinungalingan ang mga propetang ito na may mapanlinlang na propesiyang gawa-gawa lamang ng kanilang isip?
Nagpapahayag sila ng mga panaginip na hindi totoo, kaya inililigaw nila ang mga mamamayan ko sa mga kasinungalingan nila. Hindi ko sila isinugo o sinabihang magsalita, kaya wala silang kabutihang maibibigay sa mga tao," sabi ng Panginoon.
Kung papaanong madaling managinip
kapag maraming alalahanin,
madali ring makapagsalita ng kamangmangan
kung padalos-dalos ka sa iyong pagsasalita.
Ang sobrang pananaginip at pagsasalita ay walang kabuluhan. Sa halip, matakot ka sa Diyos.