Temor do Senhor
O temor do Senhor é o princípio da sabedoria. Não se trata de medo, mas de reverência profunda, respeito e admiração diante da santidade e grandeza de Deus.
O princípio da sabedoria
A Escritura afirma que temer ao Senhor é o primeiro passo para a verdadeira sabedoria. Quem teme a Deus discerne o certo e aprende a viver com prudência.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos
ay may mabuting pang-unawa.
Purihin siya magpakailanman.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
At ang pagkilala sa Banal na Diyos
ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.
Ang takot sa Panginoon
ay nagtuturo ng karunungan,
at ang nagpapakumbaba
ay pinaparangalan.
Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao,
"Ang pagkatakot sa Panginoon
at ang paglayo sa kasamaan
ay siyang karunungan at pagkaunawa."
Ang pagkatakot sa Panginoon
ay nagpapadalisay ng puso;
mananatili ito magpakailanman.
Ang mga utos ng Panginoon
ay matuwid
at makatarungan.
Ang mga itoʼy higit pa kaysa ginto
kahit pa sa purong ginto,
at mas matamis pa
kaysa sa pulot-pukyutan.
Ang inyong mga utos,
ay nagbibigay babala sa akin
na inyong lingkod.
May dakilang gantimpala
kapag itoʼy aking sinusunod.
Bênçãos do temor
Quem teme ao Senhor encontra vida longa, provisão e proteção. O temor de Deus nos guarda do mal e nos conduz à humildade.
Ang paggalang sa Panginoon
at pagpapakumbaba
ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay,
kayamanan at karangalan.
Ang may paggalang sa Panginoon
ay hahaba ang buhay,
ngunit ang taong masama
ay iikli ang buhay.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ay magpapabuti
at magpapahaba ng iyong buhay
at maglalayo sa iyo
sa bitag ng kamatayan.
Kung minamahal natin ang Panginoon
nang may katapatan,
patatawarin niya
ang ating mga kasalanan.
Kung may takot tayo sa kanya
nang may paggalang,
makakalayo tayo sa kasamaan.
Mapalad ang taong laging
may takot sa Panginoon,
ngunit mapapahamak
ang taong matigas ang ulo.
Subukan ninyo at inyong makikita,
kung gaano kabuti ang Panginoon.
Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!
Kayong mga hinirang ng Panginoon,
matakot kayo sa kanya,
dahil ang may takot sa kanya
ay hindi kukulangin sa lahat
ng pangangailangan.
Vivendo no temor do Senhor
Temer ao Senhor é obedecer seus mandamentos, andar em seus caminhos e amá-lo de todo coração. Essa reverência se expressa em justiça e integridade.
Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.
Kaya sundin ninyo ang mga utos ng Panginoon na inyong Diyos. Mamuhay kayo ayon sa kanyang pamamaraan at matakot kayo sa kanya.
Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,
at magalak kayo sa kanya.
Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin.
Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo
ng pagkatakot sa Panginoon.
Kung nais ninyo ng masaya
at mahabang buhay,
iwasan ninyo ang masamang pananalita
at pagsisinungaling.
Lumayo kayo sa masama
at gawin ninyo ang mabuti.
Pagsikapan ninyong kamtin
ang kapayapaan.
Gumalang kayo sa Panginoon, at humatol kayo nang mabuti dahil hindi pinapayagan ng Panginoon na ating Diyos ang kawalan ng katarungan, ang paghatol nang may kinikilingan, at ang pagtanggap ng suhol."
Huwag kayong magsasalita ng masama sa bingi, at huwag ninyong lalagyan ng katitisuran ang dinadaanan ng bulag. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin sa pamamagitan ng pagsunod ng mga utos ko. Ako ang Panginoon.
Huwag kayong magdadayaan, sa halip ay matakot kayo sa akin, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.
" ‘Kung maghirap ang kapwa ninyo Israelita at hindi na niya kayang buhayin ang kanyang sarili, tulungan nʼyo siya katulad ng inyong pagtulong sa isang dayuhan o bisita para patuloy siyang makapamuhay kasama ninyo. Pahiramin ninyo siya ng pera na walang tubo, at pagbilhan ninyo siya ng pagkain na walang tubo para patuloy siyang naninirahang kasama ninyo. Gawin ninyo ito para ipakita na may takot kayo sa akin na inyong Diyos.
"Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan.