Publicidade

Números 33

Mga Yugto sa Paglalakbay ng mga Israelita

1 Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Ehipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron. 2 Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan.

3 Naglakbay sila mula sa Rameses sa ika-labinlimang araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Lumabas silang may lakas ng loob, sa paningin ng mga Ehipsiyo 4 na naglilibing ng kanilang mga panganay na lalaking pinatay ng Panginoon. Hinatulan din ng Panginoon ang kanilang mga diyos.

5 Umalis ang mga Israelita sa Rameses at nagkampo sa Sucot.

6 Umalis sila sa Sucot at nagkampo sa Etam, sa gilid ng disyerto.

7 Umalis sila sa Etam at nagbalik sa Pi-hahirot na nasa silangan ng Baal-zefon, at nagkampo sila malapit sa Migdol.

8 Umalis sila sa Pi Harirot at tumawid ng dagat papunta sa disyerto. Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw sa disyerto ng Etam at nagkampo sila Mara.

9 Umalis sila sa Mara at pumunta sa Elim, kung saan may labindalawang bukal at pitumpung puno ng palma, at nagkampo sila doon.

10 Umalis sila sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat na Pula.

11 Umalis sila sa Dagat na Pula at nagkampo sa disyerto ng Sin.

12 Umalis sila sa ilang ng Sin at nagkampo sa Dofka.

13 Umalis sila sa Dofka at nagkampo sa Alus.

14 Umalis sila sa Alus at nagkampo sa Refidim, kung saan walang tubig na naiinom ang mga tao.

15 Umalis sila sa Refidim at nagkampo sa disyerto ng Sinai.

16 Umalis sila sa disyerto ng Sinai at nagkampo sa Kibrot Hataava.

17 Umalis sila sa Kibrot Hataava at nagkampo sila sa Hazerot.

18 Umalis sila sa Hazerot at nagkampo sa Ritma.

19 Umalis sila sa Ritma at nagkampo sa Rimon Perez.

20 Umalis sila sa Rimon Perez at nagkampo sa Libna.

21 Umalis sila sa Libna at nagkampo sa Risa.

22 Umalis sila sa Risa at nagkampo sa Kehelata.

23 Umalis sila sa Kehelata at nagkampo sa Bundok ng Shefer.

24 Umalis sila sa Bundok ng Shefer at nagkampo sa Harada.

25 Umalis sa Harada at nagkampo sa Makelot.

26 Umalis sila sa Makelot at nagkampo sa Tahat.

27 Umalis sila sa Tahat at nagkampo sa Tera.

28 Umalis sila sa Tera at nagkampo sa Mitca.

29 Umalis sila sa Mitca at nagkampo sa Hasmona.

30 Mula sa Hasmona, nagkampo sila sa Moserot.

31 Mula sa Moserot, nagkampo sila Bene Jaacan.

32 Mula sa Bene Jaacan, nagkampo sila sa Hor Hagidgad.

33 Mula sa Hor Hagidgad, nagkampo sila sa Jotbata.

34 Mula sa Jotbata, nagkampo sila sa Abrona.

35 Mula sa Abrona, nagkampo sila sa Ezion-geber,

36 Mula sa Ezion-geber, nagkampo sila sa Kades, sa disyerto ng Zin.

37 Mula sa Kades, nagkampo sila sa Bundok ng Hor, sa hangganan ng lupain ng Edom. 38 Sa utos ng Panginoon, umakyat ang paring si Aaron sa Bundok ng Hor at doon siya namatay noong unang araw ng ikalimang buwan ng ika-apatnapung taon mula nang lumabas sa Ehipto ang mga Israelita. 39 Si Aaron ay 123 taóng gulang noong namatay siya sa Bundok ng Hor.

40 Ngayon, ang hari ng Canaan na si Arad na naninirahan sa Negeb ay nakabalita na paparating ang mga mamamayan ng Israel.

41 Mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita at nagkampo sila sa Zalmona.

42 Mula sa Zalmona, nagkampo sila sa Punon.

43 Mula sa Punon, nagkampo sila sa Obot.

44 Mula sa Obot, nagkampo sila sa Iye Abarim na nasa hangganan ng Moab.

45 Mula asa Iye Abarim, nagkampo sila sa Dibon Gad.

46 Mula sa Dibon Gad, nagkampo sila sa Almon Diblataim.

47 Mula sa Almon Diblataim, nagkampo sila sa mga bundok ng Abarim na malapit sa Nebo.

48 Mula sa mga bundok ng Abarim, nagkampo sila sa mga kapatagan ng Moab na kaharap ng Jerico. 49 Nagkampo sila roon sa tabi ng Jordan mula sa Bet-jeshimot hanggang sa Abel-sitim na sakop pa rin ng kapatagan ng Moab.

50 At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises, 51 "Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog Jordan papunta sa Canaan, 52 palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng diyos-diyosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahang nasa matataas na lugar. 53 Sasakupin ninyo ang mga lupaing iyon at doon kayo titira dahil ibinibigay ko ito sa inyo. 54 Partihin ninyo ang lupa sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa dami ng bawat lahi. Ang lahi na may maraming bilang ay partihan ninyo ng malaki, at ang lahi na may kakaunting bilang ay partihan ninyo ng maliit. Kung ano ang mabunot nila, iyon na ang kanilang parte. Sa pamamagitan nito, mahahati ang lupa sa bawat lahi.

55 "Ngunit kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan doon, ang mga matitira sa kanilaʼy magiging parang puwing sa inyong mga mata at tinik sa inyong mga tagiliran. Magbibigay sila ng kaguluhan sa inyong paninirahan doon. 56 At gagawin ko sa inyo ang parusa na dapat para sa kanila."

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-