Publicidade

Números 1

Ang Unang Sensus sa Israel

1 Noong unang araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang lumabas ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa Toldang Tipanan sa disyerto ng Sinai. Sabi niya, 2 "Isensus ninyo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel ayon sa kanilang lahi at pamilya. Ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki. 3 Kayong dalawa ni Aaron ang mamamahala sa pagbibilang mula sa mga pangkat, at sa paglilista ng mga lalaking dalawampung taóng gulang pataas na may kakayahang maging mga sundalo. 4 Tutulong sa inyo ang pinuno ng bawat lahi.

5 "Ito ang pangalan ng mga taong tutulong sa inyo:

"mula sa lahi ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur

6 mula sa lahi ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurishadai

7 mula sa lahi ni Juda, si Naason na anak ni Aminadab

8 mula sa lahi ni Isacar, si Netanel na anak ni Zuar

9 mula sa lahi ni Zebulun, si Eliab na anak ni Helon

10 mula sa lahi ni Jose,

mula sa lahi ni Efraim, si Elisama na anak ni Amihud

mula sa lahi ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedazur

11 mula sa lahi ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gideoni

12 mula sa lahi ni Dan, si Ahiezer na anak ni Amishadai

13 mula sa lahi ni Asher, si Pagiel na anak ni Ocran

14 mula sa lahi ni Gad, si Eliasaf na anak ni Deuel

15 mula sa lahi ni Neftali, si Ahira na anak ni Enan.

16 "Sila ang mga pinuno ng mga lahing pinili mula sa mga mamamayan ng Israel."

17 Ipinatawag ni Moises at Aaron ang lahat ng lalaking napili, 18 at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas. 19 Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

20 Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 21 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Ruben ay 46,500.

22 Mula sa mga apo ni Simeon:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 23 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Simeon ay 59,300.

24 Mula sa mga apo ni Gad:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 25 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Gad ay 45,650.

26 Mula sa mga apo ni Juda:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 27 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Juda ay 74,600.

28 Mula sa mga apo ni Isacar:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 29 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Isacar ay 54,400.

30 Mula sa mga po ni Zebulun:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 31 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Zebulun ay 57,400.

32 Mula sa mga anak na lalaki ni Jose:

Mula sa mga apo ni Efraim:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 33 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Efraim ay 40,500.

34 Mula sa mga apo ni Manases:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 35 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Manases ay 32,200.

36 Mula sa mga apo ni Benjamin:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 37 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Benjamin ay 35,400.

38 Mula sa mga apo ni Dan:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 39 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Dan ay 62,700.

40 Mula sa mga apo ni Asher:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 41 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Asher ay 41,500.

42 Mula sa mga apo ni Neftali:

Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 43 Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Neftali ay 53,400.

44 Sila ang mga lalaking nabilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang pinuno ng Israel. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa kani-kanilang pamilya. 45 Lahat sila ay dalawampung taóng gulang pataas at may kakayahang maging sundalo ng Israel. 46 Ang kabuuang bilang nila ay 603,550 lahat.

47 Ngunit hindi isinama sa bilang dito ang mga lahi ni Levi. 48 Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises, 49 "Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelitang magsisilbi sa panahon ng labanan. 50 Sa halip ay ibigay ninyo sa mga Levita ang tungkulin na pamahalaan ang Toldang kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sa paligid nito. 51 Kapag ililipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin. 52 Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi. 53 Ngunit ang mga Levita ay magkakampo sa paligid ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos upang hindi ako magalit sa mga mamamayan ng Israel. Ang mga Levita ang responsable sa pangangalaga ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos."

54 Ginawa itong lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-