Publicidade

Números 26

Ang Ikalawang Sensus

1 Pagkatapos ng salot, sinabi ng Panginoon kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron, 2 "Isensus ninyo ang lahat ng mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na dalawampung taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel." 3 Kaya nakipag-usap sina Moises at ang paring si Eleazar sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. 4 Sinabi niya sa kanila, "Isensus ninyo ang mga taong may edad na dalawampung taon pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises."

Ito ang mga Israelitang lumabas sa Ehipto:

5 Ang mga lipi ni Ruben na panganay na anak ni Jacob

ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Hanoc,

angkan ni Falu,

6 sa angkan ni Hezron

at sa angkan ni Carmi.

7 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Ruben; 43,730 silang lahat.

8 Ang anak ni Falu ay si Eliab, 9 at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumáma kay Kora sa pagrerebelde sa Panginoon sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron. 10 Ngunit nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito. 11 Subalit hindi namatay ang mga anak ni Kora.

12 Ang mga lipi ni Simeon ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Nemuel;

sa angkan ni Jamin;

sa angkan ni Jaquin;

13 sa angkan ni Zera;

at sa angkan ni Saul.

14 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Simeon; 22,200 silang lahat.

15 Ang mga lipi ni Gad ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Zefon;

sa angkan ni Hagui;

sa angkan ni Suni;

16 sa angkan ni Ozni;

sa angkan ni Eri;

17 sa angkan ni Arod;

at sa angkan ni Areli.

18 Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Gad; 40,500 silang lahat.

19 May dalawang anak na lalaki si Juda na sina Er at Onan, na namatay sa lupain ng Canaan.

20 Ang mga lipi ni Juda ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Shela;

sa angkan ni Peres;

at sa angkan ni Zera.

21 Ang mga angkan ni Peres

ay ang angkan ni Hezron;

at ang angkan ni Hamul.

22 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Juda; 76,500 silang lahat.

23 Ang mga lipi ni Isacar ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Tola;

sa angkan ni Pua;

24 sa angkan ni Jasub;

at sa angkan ni Simron.

25 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Isacar; 64,300 silang lahat.

26 Ang mga lipi ni Zebulun ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Sered;

sa angkan ni Elon;

at sa angkan ni Jahleel.

27 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Zebulun; 60,500 silang lahat.

28 Ang mga lipi ni Jose ay nagmula sa mga sambahayan ng dalawa niyang anak na sina Manases at Efraim.

29 Ang mga lipi ni Manases ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Maquir

at sa anak nitong si Gilead.

30 Ang mga angkan ni Gilead

ay angkan ni Iezer;

ang angkan ni Helek;

31 ang angkan ni Asriel;

ang angkan ni Shekem;

32 ang angkan ni Semida;

at ang angkan ni Hefer.

33 Ang anak ni Hefer na si Zelofehad ay walang anak na lalaki, ngunit may mga anak siyang babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza.

34 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Manases; 52,700 silang lahat.

35 Ang mga lipi naman ni Efraim ay ang mga sambahayang mula

sa ang angkan ni Sutela;

ang angkan ni Beker;

ang angkan ni Tahan.

36 Ang mga angkan ni Sutela

ay ang mga pamilya ni Eran.

37 Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Efraim; 32,500 silang lahat.

Ito ang mga pamilyang nanggaling kina Manase at Efraim na mga lahi ni Jose.

38 Ang mga lipi ni Benjamin ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Bela;

sa angkan ni Asbel;

sa angkan ni Ahiram;

39 sa angkan ni Shufam;

at sa angkan ni Hufam.

40 Ang mga angkan ni Bela

ay ang mga pamilya nina Ard

at ang pamilya ni Naaman.

41 Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Benjamin; 45,600 silang lahat.

42 Ang mga lipi ni Dan ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Shuham.

43 Shuhamita ang lahat ng lahi ni Dan; at 64,400 silang lahat.

44 Ang mga lipi ni Asher ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Imna;

sa angkan ni Isvi;

at sa angkan ni Berias.

45 Ang mga angkan ni Berias

ay ang angkan ni Heber

at ang angkan ni Malquiel.

46 (May anak na babae si Asher na si Sera.)

47 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Asher; 53,400 silang lahat.

48 Ang mga lipi ni Neftali ay ang mga sambahayang mula

sa ang angkan ni Jahzeel;

sa angkan ni Guni;

49 sa angkan ni Jeser;

at sa angkan ni Silem.

50 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Neftali; 45,400 silang lahat.

51 Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730.

52 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, 53 "Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi. 54 Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit. 55,56 Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus."

57 Ito ang mga Levitang nabilang ayon sa kanilang mga angkan:

kay Gerson, ang angkan ng Gersonita;

kay Kohat, ang angkan ng Kohatita;

kay Merari, ang angkan ng Merarita.

58 Kabilang din sa mga Levita ang mga sumusunod:

ang angkan ni Libni;

ang angkan ni Hebron;

ang angkan ni Mahli;

ang angkan ni Mushi;

at ang angkan ni Kora.

Si Kohat ang panganay ni Amram; 59 at ang asawa ni Amram ay si Jocebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jocebed sa Ehipto. Sina Amram at Jocebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam. 60 Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 61 Ngunit namatay sina Nadab at Abihu nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa kanilang paghahandog sa Panginoon.

62 Ang bilang ng mga lalaking Levita na may edad na isang buwan pataas ay 23,000. Hindi sila ibinilang sa kabuuang bilang ng mga Israelita dahil wala silang tinanggap sa lupaing minana ng mga Israelita.

63 Ito ang lahat ng mga Israelitang sinensus ni Moises at ng paring si Eleazar doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. 64 Wala ni isang natira sa mga kasama sa naunang sensus na ginawa nina Moises at Aaron sa ilang ng Sinai. 65 Sapagkat sinabi noon ng Panginoon sa kanila na tiyak na mamamatay sila doon sa ilang, at walang makakaligtas sa kanila maliban lang kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-