Vida nova
Em Cristo, toda pessoa é transformada em uma nova criação. O velho passa e tudo se faz novo. A vida nova é o resultado da obra redentora de Jesus em nosso coração.
Morte e ressurreição com Cristo
O batismo simboliza nossa morte para o pecado e ressurreição para uma nova vida. Fomos sepultados com Cristo e ressuscitamos com Ele.
Hindi ba ninyo alam na noong binautismuhan tayo kay Kristo Hesus, nangangahulugan ito na kasama tayo sa kanyang kamatayan? Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.
At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan.
At dahil nakay Kristo Hesus na kayo, ituring ninyo ang inyong mga sarili na patay na sa kasalanan at nabubuhay na para sa Diyos.
Nova criação
Quando aceitamos Jesus, nascemos de novo. A velha natureza dá lugar a uma identidade renovada pelo Espírito Santo.
Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Dahil dito, wala nang ipinagkaiba ang Hudyo sa Hentil, ang tuli sa hindi tuli, ang barbaro, ang hindi sibilisado, ang alipin, at ang malaya. Si Kristo na ang kabuuan ng lahat, at siyaʼy nasa ating lahat.
Despir o velho, vestir o novo
A vida nova se manifesta em abandonar os velhos hábitos e revestir-se do novo homem, criado segundo a vontade de Deus.
iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali, at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.
Ngunit ngayon, dapat na ninyong itakwil ang lahat ng ito: galit, poot, sama ng loob, paninira sa kapwa, at malaswang pananalita. Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, sapagkat hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain, at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Diyos na lumikha nito, upang maging katulad niya tayo at upang makilala natin siya nang lubusan.
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.
Renovação interior
Deus promete dar um coração novo e um espírito novo. A transformação nasce do arrependimento e da purificação divina.
Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
Huwag nʼyo po akong itaboy
palayo sa inyong piling,
at huwag nʼyo po sanang bawiin
ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
Panumbalikin sa akin
ang kagalakang
bunga ng inyong pagliligtas sa akin.
Bigyan nawa ako
ng espiritung masunurin.
Wiwisikan ko kayo ng malinis na tubig nang maging malinis kayo sa lahat ng karumihan ninyo at hindi na kayo sasamba sa mga diyos-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin. Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu upang maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin.
Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Diyos.
Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)