Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 18:9-12

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

9 Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay Lev. 18:26-30;Deut. 12:29,31.huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.

10 Huwag makakasumpong sa iyo ng Lev. 18:21.sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, Blg. 22:7;23:23;1 Sam. 15:23;28:8;2 Hari 17:17.o nanghuhula Lev. 19:26.o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,

11 Lev. 20:27.O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o 1 Sam. 28:7.sumasangguni sa mga patay.

12 Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at Lev. 18:24-25;Deut. 9:4.dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    9 Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong susundin ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga naninirahan doon. 10 Wala ni isa man sa inyo na magsusunog ng kanyang anak bilang handog. At huwag din kayong manghuhula, mangkukulam, 11 manggagaway, gumagawa ng mga ginagawa ng mga espiritista, at makikipag-usap sa espiritu ng mga patay. 12 Kinasusuklaman ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit palalayasin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa sa inyong harapan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.