5 Mat. 22:24;Mar. 12:19;Luc. 20:28.Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila’y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang Gen. 38:8;Ruth 1:12-13;3:9.kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
6 At mangyayari, na ang panganay na Gen. 38:9.kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang Ruth 4:10.ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.
7 At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa Ruth 4:1-2.pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
8 Kung magkagayo’y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya’y tumayo at sabihin niya, Ruth 4:6.Ayaw kong kunin siya;
9 Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at Ruth 4:7.huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya’y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw Ruth 4:11.magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.
10 At ang kaniyang pangala’y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.