Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 25:5-10

OASD Ang Salita ng Diyos

5 Kung may dalawang magkapatid na lalaking naninirahan sa iisang bayan, at namatay ang isa sa kanila nang hindi nagkakaanak, hindi makapag-aasawa ang babae ng iba maliban lang sa pamilya ng kanyang asawa. Ang kapatid ng kanyang asawa ang dapat na maging asawa niya. Tungkulin niya ito sa kanyang hipag. 6 Ang panganay nilang anak ay ituturing na anak ng namatay na kapatid para hindi mawala ang kanyang pangalan sa Israel.

7 Subalit kung ayaw mapangasawa ng kapatid ng namatay ang biyuda, pupunta ang biyuda sa mga tagapamahala roon sa pintuan ng bayan at sasabihin, "Hindi pumayag ang aking hipag na bigyan ng lahi ang kanyang kapatid sa Israel. Ayaw niyang tuparin ang kanyang tungkulin sa akin bilang hipag." 8 At ipapatawag siya ng mga tagapamahala ng bayan at makikipag-usap sila sa kanya. Kung talagang ayaw pa rin niyang pakasalan ang biyuda, 9 lalapitan siya ng biyuda sa harap ng mga tagapamahala at kukunin niya ang sandalyas ng kanyang hipag at duduraan niya sa mukha at sasabihin, "Ganyan ang gagawin sa lalaking hindi pumapayag na bigyan ng lahi ang kanyang kapatid na namatay." 10 Ang pamilya ng taong ito ay tatawagin sa Israel na pamilya ng taong kinuhanan ng sandalyas.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    5 Mat. 22:24;Mar. 12:19;Luc. 20:28.Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila’y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang Gen. 38:8;Ruth 1:12-13;3:9.kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

    6 At mangyayari, na ang panganay na Gen. 38:9.kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang Ruth 4:10.ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.

    7 At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa Ruth 4:1-2.pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

    8 Kung magkagayo’y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya’y tumayo at sabihin niya, Ruth 4:6.Ayaw kong kunin siya;

    9 Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at Ruth 4:7.huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya’y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw Ruth 4:11.magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.

    10 At ang kaniyang pangala’y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.