Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 9:18,19,25,26

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

18 At Ex. 34:28.ako’y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, tal.9.gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;

19 Sapagka’t natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Nguni’t Ex. 32:10,14,34;33:17;Deut. 10:10.dininig din naman ako noon ng Panginoon.

25 Sa gayo’y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako’y nagpatirapa, sapagka’t sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.

26 Ex. 32:11,13.At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    18 Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na walang kinakain at iniinom, dahil sa lahat ng mga ginawa ninyong kasalanan. Masama ang ginawa ninyo sa paningin ng Panginoon at nakapagpapagalit ito sa kanya. 19 Natakot ako dahil sa matinding galit ng Panginoon sa inyo dahil baka patayin niya kayo. Ngunit pinakinggan pa rin ako ng Panginoon.

    25 Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpatirapa sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi dahil sinabi ng Panginoon na pupuksain niya kayo. 26 Nanalangin ako sa Panginoon, "O Makapangyarihang Panginoon, huwag po ninyong puksain ang sarili ninyong mamamayan. Iniligtas po ninyo sila at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.