18 Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na walang kinakain at iniinom, dahil sa lahat ng mga ginawa ninyong kasalanan. Masama ang ginawa ninyo sa paningin ng Panginoon at nakapagpapagalit ito sa kanya. 19 Natakot ako dahil sa matinding galit ng Panginoon sa inyo dahil baka patayin niya kayo. Ngunit pinakinggan pa rin ako ng Panginoon.
25 Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpatirapa sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi dahil sinabi ng Panginoon na pupuksain niya kayo. 26 Nanalangin ako sa Panginoon, "O Makapangyarihang Panginoon, huwag po ninyong puksain ang sarili ninyong mamamayan. Iniligtas po ninyo sila at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.