Publicidade

Isaías 12

Muling titipunin (karugtong).

1 At sa araw na yaon ay Is. 2:11.iyong sasabihin, Ako’y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka’t bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.

2 Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako’y titiwala, at hindi ako matatakot: Ex. 15:2;Awit 118:14;Is. 26:4.sapagka’t ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya’y naging aking kaligtasan.

3 Kaya’t kayo’y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

4 At Is. 2:11.sa araw na yao’y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo’y magsitawag sa kaniyang pangalan, Awit 145:4-16.ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.

5 Awit 98:1.Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka’t siya’y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

6 Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka’t dakila ang Banal ng Israel Is. 5:24;41:14,16.sa gitna mo.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-