Ang hula sa Moab.
1 Is. 13:1.Ang hula tungkol sa 1 Sam. 14:47.Moab. Jer. 48:1-47;Ezek. 25:8-11.Sapagka’t sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka’t sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.
2 Siya’y umahon sa Bayith, at sa Blg. 21:30.Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Blg. 32:3.Nebo, at sa 1 Cron. 19:7.Medeba: Is. 3:24;Jer. 48:37.lahat nilang ulo ay kalbo, bawa’t balbas ay gupit.
3 Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa’t isa, na umiiyak ng di kawasa.
4 At ang Hesbon ay humihiyaw, Is. 16:9.at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jer. 48:34.Jahas: kaya’t ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.
5 Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, Jer. 48:34.sa Eglat-selisiyah: sapagka’t sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka’t sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
6 Sapagka’t ang tubig ng Nimrim Blg. 32:3,36.ay natuyo, sapagka’t ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay.
7 Kaya’t ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce.
8 Sapagka’t ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa Blg. 21:16,18.Beer-elim.
9 Sapagka’t ang tubig ng tal.2.Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagka’t magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang Nah. 2:11-13.leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain.