Ang kaluwalhatian ng Sion at ang kaniyang bagong pangalan.
1 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang Kaw. 4:18.kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.
2 Awit 98:2.At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at Is. 60:3.ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; Is. 65:15;Apoc. 2:17;8:12.at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.
3 Ikaw naman ay magiging Zac. 9:16.putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios.
4 Os. 1:10;1 Ped. 2:10.Hindi ka na tatawagin pang Is. 49:14;60:15.Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka’t ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.
5 Sapagka’t kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon Is. 65:19.magagalak ang Dios sa iyo.
6 Ezek. 3:17.Ako’y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila’y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga,
7 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya’y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihanIs. 61:11;Zef. 3:20. sa lupa ang Jerusalem.
8 Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigayDeut. 28:31,33. ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
9 Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon Deut. 12:12.sa mga looban ng aking santuario.
10 Kayo’y magsidaan, kayo’y magsidaan sa mga pintuang-bayan; Is. 40:3;57:14.inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; Is. 49:22.mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Zac. 9:9.Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Is. 46:12.Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang Is. 40:10.kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
12 At tatawagin nila sila Is. 63:18.Ang banal na bayan, Is. 35:9.Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang tal.4.hindi pinabayaan.