Publicidade

Isaías 26

Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.

1 Sa araw na Is. 2:11.yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; Is. 60:18.kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.

2 Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, Awit 118:19,20.upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.

3 Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka’t siya’y tumitiwala sa iyo.

4 Magsitiwala kayo sa Panginoon Is. 45:17.magpakailan man: sapagka’t nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

5 Sapagka’t ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: Is. 45:12.kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.

6 Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga’y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.

7 Ang daan ng ganap ay katuwiran: Awit 58:2.ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.

8 Oo, Is. 64:5.sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: Neh. 1:21.sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.

9 Ninasa Awit 77:2;A. ng A. 3:1.kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka’t pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

10 Magpakita man ng awa sa masama, Ec. 8:12.hindi rin siya matututo ng katuwiran; Awit 143:10.sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.

11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma’y hindi nila nakikita: nguni’t makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.

12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka’t ikaw rin ang 1 Cor. 15:10.gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.

13 Oh Panginoon naming Dios, 2 Cron. 12:18.ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni’t 2 Hari 18:4-6.ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.

14 Sila’y patay, sila’y hindi mabubuhay; sila’y namatay, sila’y hindi babangon: kaya’t iyong dinalaw at sinira sila, Ec. 9:5.at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.

15 Is. 9:3.Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.

16 Panginoon, Os. 5:15.sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila’y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

17 Gaya Is. 13:8.ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.

18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man Awit 17:14.ang mga nananahan sa sanglibutan.

19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Dan. 12:2;Ef. 6:14.Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka’t ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20 Ikaw ay parito, bayan ko, Mat. 6:6.pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21 Sapagka’t, narito, ang Panginoon ay lumalabas Mik. 1:3;Jud. 4.mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-