Hindi ang Egipto, kundi ang Panginoon ang makatutulong.
1 Sa aba nila na Is. 20:2.nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at Awit 20:7;33:7;Is. 30:16;36:9.nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka’t marami, at sa mga mangangabayo, sapagka’t mga totoong napakalakas; nguni’t hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!
2 Gayon ma’y siya’y pantas, at magdadala ng kasamaan, at Blg. 23:19.hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan.