Publicidade

Isaías 35

Ang hinaharap ng Sion.

1 Ang ilang Is. 55:12.at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.

2 Mamumulaklak ng sagana, Is. 32:15.at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.

3 Inyong palakasin Heb. 12:12.ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.

4 Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo’y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya’y paririto at ililigtas kayo.

5 Kung magkagayo’y madidilat ang mga mata Awit 146:8;Is. 29:18;32:3;Mat. 9:27-30;11:5;12:22;22:30-34;21:14;Juan 9:6,7.ng bulag, at Mar. 7:32-35.ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.

6 Kung magkagayo’y lulukso ang Mat. 11:5;15:30;21:14;Juan 5:3,8,9;Gawa 3:2-8;8:7;14:8-10.pilay na parang usa, at Is. 32:4;Mat. 9:32,33;12:22.ang dila ng pipi ay aawit: sapagka’t sa ilang ay bubukal Is. 41:18;43:19,20;Juan 7:38,39.ang tubig, at magkakailog sa ilang.

7 At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa Is. 34:13.tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok.

8 At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay Is. 52:1;Joel 3:17.hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.

9 Hindi magkakaroon ng leon doon, Lev. 26:6;Is. 11:7-9.o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.

10 At ang pinagtutubos Is. 51:11.ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila’y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay Is. 25:8;65:19;Apoc. 7:17;21:4.mapaparam.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-