Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 38

Pagkakasakit at pasalamat ni Ezechias.

1 Nang mga araw na yaon Hanggang tal.8;2 Hari 20:1-6;9:11.ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong sangbahayan; sapagka’t ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.

2 Nang magkagayo’y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig, at nanalangin sa Panginoon,

3 At nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo; Neh. 13:14.Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako’y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa.

4 Nang magkagayo’y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias, na nagsasabi,

5 Ikaw ay yumaon, at sabihin mo kay Ezechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni na iyong magulang, Aking dininig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon.

6 At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa : at aking ipagsasanggalang ang bayang Is. 37:35.ito.

7 At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita,

8 2 Hari 20:9,10.Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni sa pamamagitan ng araw, Sa gayo’y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.

9 Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda, nang siya’y magkasakit, at gumaling sa kaniyang sakit.

10 Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol:

Ako’y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.

11 Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon Awit 27:13;116:9.sa lupain ng buháy:

Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan.

12 Job 7:6.Ang tirahan ko’y inaalis, at dinadala na 2 Cor. 5:1.gaya ng tolda ng pastor:

Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan:

Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

13 Ako’y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto:

Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

14 Gaya ng langaylangayan o ng tagak, humihibik ako;

Is. 59:11.Ako’y tumangis na parang kalapati: Awit 69:3.ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala;

Oh Panginoon, ako’y napipighati, ikaw nawa’y maging tangulan sa akin.

15 Anong aking sasabihin? siya’y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa:

Ako’y yayaong marahan lahat kong taon, 1 Hari 21:27.dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.

16 Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao;

At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa:

Kaya’t pagalingin mo ako, at ako’y iyong buhayin.

17 Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap:

Nguni’t ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan;

Sapagka’t iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.

18 Awit 9:5;30:9;88:11;115:17;Ec. 9:10.Sapagka’t hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan!

Awit 28:1.Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.

19 Ang buháy, ang buháy, siya’y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito:

Deut. 4:9;Awit 78:3,4.Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.

20 Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako:

Kaya’t aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad,

Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.

21 2 Hari 20:7.Sinabi nga ni Isaias, Magsikuha sila ng isang binilong igos, at ilagay na pinakatapal sa bukol, at siya’y gagaling.

22 Sinabi rin ni 2 Hari 20:8.Ezechias, Ano ang tanda na ako’y sasampa sa bahay ng Panginoon?

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Assíria
Hoje: Norte da Mesopotâmia (Iraque)
אַשּׁוּרashshur
36,36° N, 43,15° L
Citado em 141 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Acaz
אָחָזachazΑχαζAxaz
Acaz, filho de Jotão e rei de Judá, não fez o que era reto, chegou a passar o filho pelo fogo e pediu socorro à Assíria contra a Síria e Israel (2 Reis 16:2).
Citado em 37 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Isaias 66
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.