Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaías 46

Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.

1 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay Is. 21:9;Jer. 50:2;51:44.yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.

2 Sila’y yumuyukod, sila’y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma’y napapasok sa pagkabihag.

3 Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at Is. 6:13.lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, Awit 22:10;71:6.na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:

4 At hanggang sa katandaan ay Awit 102:27;Is. 52:6.ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.

5 Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?

6 Sila’y dumudukot ng maraming ginto sa supot, Is. 40:19.at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila’y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; Is. 44:15.sila’y nangagpapatirapa, oo, sila’y nagsisisamba.

7 Pinapasan nila siya sa balikat, Jer. 10:5.dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya’y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: Awit 115:5;Is. 45:20.oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma’y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.

8 Inyong alalahanin ito, at 1 Sam. 4:9;1 Cor. 16:13.mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.

9 Inyong alalahanin ang mga Deut. 32:7.dating bagay ng una: sapagka’t ako’y Dios, Is. 45:5.at walang iba liban sa akin; ako’y Dios, at walang gaya ko;

10 Is. 41:26.Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Kaw. 19:21.Ang payo ko ay mananayo, Is. 44:28.at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:

11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit Is. 41:2,25.mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, Blg. 23:19.aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:

13 Aking inilalapit ang Awit 85:9;Is. 51:5.aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay Hab. 2:3.hindi magluluwat: at aking ilalagay ang Is. 62:11.kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

Veja também