Publicidade

Isaías 50

Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.

1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Deut. 24:1;Jer. 3:8;Os. 2:2.Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? Deut. 32:30.o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili Is. 52:3;Rom. 7:14.kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.

2 Bakit, nang ako’y parito, ay walang tao? nang ako’y Is. 65:2.tumawag, ay walang sumagot? Is. 59:1.naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? Ex. 14:21;Is. 51:10.Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: Ex. 7:18,21.ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka’t walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.

3 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit Ex. 10:21.at aking ginagawang Apoc. 6:12.kayong magaspang ang kaniyang takip.

4 Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, Is. 8:16.upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Is. 28:19.Siya’y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.

5 Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako’y Mat. 26:39;Juan 4:34;Heb. 5:8;10:5-7;Fil. 2:8.hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.

6 Mat. 27:26.Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, Mat. 26:67.at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.

7 Sapagka’t tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya’t hindi ako nalito: kaya’t Ezek. 3:8,9;Luc. 9:51.inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, Heb. 12:2.at talastas ko na hindi ako mapapahiya.

8 Siya’y malapit Rom. 8:32-34.na nagpapatotoo sa akin; Job 12:19.sinong makikipaglaban sa akin? tayo’y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.

9 Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? Awit 102:26;Is. 51:6.narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin Awit 39:11;Mat. 6:19,20.sila ng tanga.

10 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Awit 23:4.Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, 2 Cron. 13:18.at umasa sa kaniyang Dios.

11 Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. Juan 9:39.Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo’y hihiga Awit 16:4.sa kapanglawan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-