5 Nguni’t siya’y nasugatan Rom. 4:25.dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa Is. 57:19.ating kapayapaan ay nasa kaniya; 1 Ped. 2:24,25.at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 Mat. 9:36.Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan 2 Cor. 5:21.sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
7 Siya’y napighati, gayon man nang siya’y dinalamhati ay Mat. 26:63;1 Ped. 2:23.hindi nagbuka ng kaniyang bibig; Gawa 8:32.gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma’y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.