1 Sinong Juan 12:38;Rom. 10:16.naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang Is. 51:9.bisig ng Panginoon?
2 Is. 11:1.Sapagka’t siya’y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: Is. 52:14.walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
3 Siya’y hinamak at itinakuwil Mar. 9:12.ng mga tao; isang Heb. 4:15.taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya’y Juan 1:10,11.hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
4 Tunay na kaniyang Mat. 7:18.dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni’t siya’y nasugatan Rom. 4:25.dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa Is. 57:19.ating kapayapaan ay nasa kaniya; 1 Ped. 2:24,25.at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 Mat. 9:36.Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan 2 Cor. 5:21.sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
7 Siya’y napighati, gayon man nang siya’y dinalamhati ay Mat. 26:63;1 Ped. 2:23.hindi nagbuka ng kaniyang bibig; Gawa 8:32.gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma’y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, Juan 7:27.sino sa kanila ang gumunita na siya’y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama Mat. 27:57,60.ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman 1 Ped. 2:22.hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
10 Gayon ma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, Awit 22:30.makikita niya ang kaniyang lahi, Rom. 6:9.pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
11 Siya’y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: Fil. 3:8.sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng 1 Juan 2:1.aking matuwid na lingkod ang marami; at Is. 42:1;Rom. 5:18,19.dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 Awit 2:8.Kaya’t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang Col. 2:15.hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka’t kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at Mar. 15:28.ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma’y dinala niya ang kasalanan ng marami, at Rom. 8:34;Heb. 7:25;9:24.namagitan sa mga mananalangsang.