Publicidade

Isaías 55

Ang walang bayad na kahabagan sa lahat.

1 Oh lahat Juan 7:37.na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo’y magsibili, at magsikain; oo, kayo’y magsiparito, kayo’y magsibili ng alak at gatas Mat. 10:8.ng walang salapi at walang bayad.

2 Juan 6:27.Ano’t kayo’y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.

3 Inyong ikiling ang inyong tainga, at Mat. 11:28.magsiparito kayo sa akin; kayo’y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako’y Is. 61:8.makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga’y ng tunay Awit 89:1,28,49.na mga kaawaan ni David.

4 Narito, ibinigay ko siya na Juan 18:37;Apoc. 1:5.pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.

5 Narito, ikaw ay tatawag ng bansa Is. 52:15;Ef. 2:11,12.na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; Is. 60:9.sapagka’t kaniyang niluwalhati ka.

6 Mat. 5:25;Luc. 13:25;Juan 7:34;2 Cor. 6:2;Heb. 2:13.Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya’y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya’y malapit:

7 Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t Awit 130:7.siya’y magpapatawad ng sagana.

8 Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

9 Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas Awit 103:11.kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

10 Sapagka’t Deut. 32:2.kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng 2 Cor. 9:10.binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;

11 Magiging gayon ang aking salita Is. 54:9.na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.

12 Sapagka’t kayo’y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay Is. 35:10.magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat Awit 98:8.na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.

13 Kahalili ng Is. 41:9.tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging Jer. 13:1.pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-