Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaías 60

Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.

1 Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at Mat. 4:2.ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.

2 Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni’t ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.

3 At ang mga bansa ay tal.5:11.paroroon sa iyong liwanag, tal.10:11-16;Is. 49:23;Apoc. 21:24.at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.

Veja também