Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 22:66-71

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

66 At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,

67 Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa’t sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:

68 At kung kayo’y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.

69 Datapuwa’t Heb. 1:3.magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.

70 At sinabi nilang lahat, Kung gayo’y ikaw baga ang Juan 1:49.Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi Mat. 27:11.na ako nga.

71 At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka’t tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    66 Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Hudyo, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Hesus sa kanilang korte. 67 Sinabi nila, "Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Mesias?"

    Sumagot si Hesus, "Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala. 68 At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot. 69 Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Diyos."

    70 "Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Diyos?" sabi nila.

    Sumagot si Hesus, "Kayo na rin ang nagsabi na ako nga."

    71 Kaya sinabi nila, "Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?"

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.