Dinala si Hesus sa Korte ng mga Hudyo
66 Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Hudyo, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Hesus sa kanilang korte. 67 Sinabi nila, "Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Mesias?"
Sumagot si Hesus, "Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala. 68 At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot. 69 Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Diyos."
70 "Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Diyos?" sabi nila.
Sumagot si Hesus, "Kayo na rin ang nagsabi na ako nga."
71 Kaya sinabi nila, "Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?"