1 Kayong mga babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, upang kung ang asawa ninyoʼy hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, maaaring madala nʼyo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita. 2 Sapagkat nakikita nilang may takot kayo sa Diyos at malinis ang pamumuhay ninyo.