Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Pedro 4

Pamumuhay para sa Diyos

1 Dahil naghirap si Kristo sa kanyang katawang-tao, dapat ay handa rin kayong maghirap. Sapagkat ang taong nagtiis ng hirap ay tumigil na sa paggawa ng kasalanan. 2 Hindi na siya sumusunod sa masasama niyang ugali kundi sumusunod na siya sa kalooban ng Diyos. 3 Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon upang mag-inuman at gumagawa ng mga kahiya-hiyang bagay. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga diyos-diyosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo. 4 Kaya nga pinagtatakahan kayo ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. At pinagsasalitaan nila kayo ng masama. 5 Ngunit mananagot sila sa Diyos sa ginagawa nila, dahil hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, buháy man o patay.

Veja também