Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Pedro 4

2 Hindi na siya sumusunod sa masasama niyang ugali kundi sumusunod na siya sa kalooban ng Diyos. 3 Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon upang mag-inuman at gumagawa ng mga kahiya-hiyang bagay. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga diyos-diyosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo. 4 Kaya nga pinagtatakahan kayo ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. At pinagsasalitaan nila kayo ng masama. 5 Ngunit mananagot sila sa Diyos sa ginagawa nila, dahil hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, buháy man o patay. 6 Ito ang dahilan kung bakit ipinangaral ang Magandang Balita sa mga taong patay na. Nang sa ganoon, kahit patay na sila sa laman, at mahatulan tulad ng lahat ng tao, mabubuhay pa rin sila sa espiritu gaya ng Diyos.

7 Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang inyong sarili upang hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo.

Veja também