Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Pedro 5

Mga Bilin sa mga Pinuno ng Iglesya at sa mga Kabataan

1 Sa mga pinuno ng iglesya5:1 iglesya: Ang ibig sabihin, "mga mananampalataya ni Kristo.", may nais akong ipakiusap sa inyo bilang kapwa pinuno ng iglesya at saksi sa mga paghihirap ni Kristo, at makikibahagi rin sa kaluwalhatiang ipapakita sa atin sa kanyang muling pagdating. 2 Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. 3 Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila. 4 At pagdating ni Kristo na siyang Pinunong Pastol, tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi kukupas kailanman.

5 At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:

"Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,

ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."5:5 Kaw. 3:34.

6 Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. 7 Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

8 Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa. 9 Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Diyos at labanan ninyo ang diyablo. Alalahanin ninyong ang mga paghihirap na nararanasan ninyo ay nararanasan din ng mga kapatid nʼyo kay Kristo sa buong mundo.

10 Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo. 11 Purihin siya sa kapangyarihan niyang walang hanggan! Amen.

Mga Pangwakas na Pagbati

12 Isinulat ko sa inyo ang maikling liham na ito sa tulong ni . Kapatid natin siya kay Kristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ang biyaya sa atin ng Diyos. Manatili kayo sa kanyang biyaya.

13 Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Diyos na maging mga anak niya. Kinukumusta rin kayo ni na itinuturing kong anak.

14 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nakay Kristo.

Sa inyong lahat na nakay Kristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.

Pessoa
G4609
Silas
ΣιλᾶςSila͂s
Silas foi um dos líderes entre os irmãos, também profeta, enviado a Antioquia com Paulo e Barnabé. Depois Paulo escolheu Silas e partiu, encomendado pelos irmãos à graça do Senhor (Atos 15:40).
Citado em 17 versículos
Ver página completa
Pessoa
G3138
Marcos
ΜᾶρκοςMa͂rkos
Marcos, também chamado João, foi auxiliar de Barnabé e Paulo na viagem a Chipre e à Panfília, mas os deixou em Perge e voltou a Jerusalém; depois Barnabé o levou consigo a Chipre (Atos 15:39).
Significado: “Martelo, consagrado”
Ver página completa
Todos os capítulos de 1 Pedro 5
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.