22 ngunit si Ana ay hindi sumama. Sinabi niya sa kanyang asawa, "Kapag puwede nang mahiwalay sa akin ang bata, dadalhin ko siya sa bahay ng Panginoon upang ihandog, at doon na siya titira sa buong buhay niya."
23 Sumagot si Elcana, "Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay mabuti. Dito ka na lang muna hanggang sa puwede nang mahiwalay saʼyo ang bata. Tulungan ka sana ng Panginoon na matupad ang ipinangako mo sa kanya." Kaya nagpaiwan si Ana at inalagaan ang kanyang anak.
24 Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Ana sa bahay ng Panginoon sa Silo. Nagdala rin siya ng tatlong taóng gulang na toro, kalahating sako ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang-balat.