4 Ngayon, lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo ang isang mahusay at matapang na mandirigmang taga-Gat na nagngangalang Goliat. May siyam na talampakan17:4 May siyam na talampakan: O Mga tatlong metro. Sa Septuagint, anim na talampakan at siyam na pulgada. ang kanyang taas.
33 Sumagot si Saul kay David, "Hindi mo kayang makipaglaban sa kanya. Bata ka pa, habang siyaʼy mandirigma na mula pa sa kanyang pagkabata."
37 Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga leon at oso ang siya ring magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong iyon."
Sinabi ni Saul kay David, "Sige, lumakad ka na. Patnubayan ka sana ng Diyos."
40 Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang tungkod, pumulot ng limang makikinis na bato sa sapa at inilagay sa balat na lalagyan. Dala-dala ang kanyang tirador, lumapit siya sa Filisteo.
45 Sumagot si David, "Makikipaglaban ka sa akin na ang dalaʼy espada, sibat, at punyal, pero lalabanan kita sa pangalan ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng hukbo ng Israel na iyong hinahamon.
49 Kumuha siya ng bato sa kanyang lalagyan at tinirador sa noo si Goliat. Tumama ito at bumaon sa noo ni Goliat at natumba siya nang padapa sa lupa.