45 Sumagot si David, "Makikipaglaban ka sa akin na ang dalaʼy espada, sibat, at punyal, pero lalabanan kita sa pangalan ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng hukbo ng Israel na iyong hinahamon. 46 Sa araw na ito ibibigay ka sa akin ng Panginoon. Papatayin at pupugutan kita ng ulo. Ngayong araw ding ito, ang mga bangkay ng mga kasama mong Filisteo ay ipapakain ko sa mga ibon at mababangis na hayop, at malalaman ng buong mundo na may Diyos ang Israel. 47 Malalaman ng lahat ng nagkakatipon dito na kayang iligtas ng Panginoon ang kanyang bayan kahit na walang espada o sibat. Sapagkat ang Panginoon ang makikipaglaban at ibibigay niya kayong lahat sa amin."
1 Samuel 17:45-47
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
45 Nang magkagayo’y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may tal.6.kalasag; nguni’t ako’y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel tal.10.na iyong hinahamon.
46 Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; Jos. 4:24;1 Hari 18:36.upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:
47 At upang maalaman ng Awit 44:6,7;Os. 1:7;Zac. 4:6.buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: 1 Sam. 18:17;25:28;2 Cron. 20:15.sapagka’t ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.
Direitos das traduções citadas
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.