Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Samuel 2

Ang Panalangin ni Ana

1 At nanalangin si Ana,

"Nagagalak ako saʼyo Panginoon!

Dahil sa inyong ginawa,

hindi na ako mahihiya.

Tinatawanan ko ngayon

ang aking mga kaaway,

sapagkat nagagalak ako

sa pagliligtas nʼyo sa akin.

2 "Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon;

wala kayong katulad;

walang Batong kanlungan

na tulad mo aming Diyos.

3 "Walang sinumang makapagyayabang

dahil alam ng Panginoong Diyos

ang lahat ng bagay,

at hinahatulan niya

ang mga gawa ng tao.

4 Nililipol niya ang mga makapangyarihan,

ngunit pinalalakas niya ang mahihina.

5 Ang mayayaman noon,

ngayon ay nagtatrabaho

para lang may makain.

Ngunit ang mahihirap noon

ay sagana na ngayon.

Ang dating baog ay marami nang anak.2:5 marami nang anak: Sa literal, magkakaroon ng pitong anak.

Ngunit ang may maraming anak noon

ay nawalan ng mga ito.

6 May kapangyarihan ang Panginoon

na patayin o buhayin ang tao.

May kapangyarihan siyang ilagay sila

sa lugar ng mga patay

o kunin sila roon.

7 Ang Panginoon ang nagpapadukha

at nagpapayaman.

Itinataas niya ang iba

at ang ibaʼy kanyang ibinababa.

8 Ibinabangon niya ang mga mahihirap

sa kanilang kahirapan.

Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika

silaʼy kanyang pinararangalan.

"Sa Panginoon ang pundasyon ng sanlibutan;

na kinatatayuan ng mundo.

9 Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan,

ngunit nililipol niya ang masasamâ.

Walang sinumang nagtatagumpay

sa sarili niyang kalakasan.

10 Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway.

Padadagundungin niya

ang langit laban sa kanila.

Ang Panginoon ang hahatol

sa buong mundo.2:10 buong mundo: Sa literal, dulo ng mundo.

Dahil sa kanya,

magiging makapangyarihan

at laging magtatagumpay

ang haring kanyang hinirang."

11 Pagkatapos, umuwi si Elcana sa Rama kasama ang kanyang buong pamilya. Ang batang si Samuel naman ay naiwan at naglingkod sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ng paring si .

Ang Kasalanan ng Dalawang anak ni Eli

12 Parehong salbahe tao ang dalawang anak ni . Hindi sila sumusunod sa Panginoon 13 Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang katulong nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis. 14 Pagkatapos, tutusukin ng alipin ang mga karne sa loob ng kawali, kawa, kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa . 15 At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta ang alipin sa naghahandog at sinasabi, "Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw lang ang gusto niya."

16 Kapag sinabi ng naghahandog na, "Hintayin muna nating maihandog ang taba ng karne bago ka kumuha ng gusto mo," sasabihin ng alipin, "Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo."

17 Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.

18 Samantala, ang batang si ay naglilingkod sa Panginoon, suot-suot ang efod. 19 Taon-taon, iginagawa siya ng kanyang ina ng balabal, at dinadala niya ito kay Samuel tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog. 20 Doon, binabasbasan ni si Elcana at ang kanyang asawa. Sinasabi niya kay Elcana, "Sanaʼy bigyan ka ng Panginoon ng mga anak sa babaeng ito kapalit ng kanyang hiningi at inihandog sa Panginoon." Pagkatapos ay umuuwi na sila. 21 Kinahabagan ng Panginoon si Ana. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.

22 Ngayon, matandang-matanda na si . Nabalitaan niya ang lahat ng kasamaang ginagawa ng kanyang mga anak sa mga Israelita. Nalaman na rin niya ang pagsiping ng mga ito sa mga babaeng naglilingkod sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 23 Kaya sinabihan niya ang mga ito, "Nabalitaan ko sa mga tao ang lahat ng kasamaang ginagawa ninyo. Bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? 24 Mga anak, tigilan na ninyo ito, dahil hindi maganda ang nababalitaan ko tungkol sa inyo mula sa mga mamamayan ng Panginoon."

25 Sinabi pa ni Eli, "Kung magkasala ang isang tao sa kanyang kapwa, maaaring mamamagitan ang Diyos2:25 Diyos: O mga hukom. sa kanila; pero kung magkasala ang tao sa Panginoon, sino ang mamamagitan?" Ngunit hindi nakinig ang mga anak niya dahil nakapagpasya na ang Panginoon na patayin sila.

26 Samantala, patuloy na lumaki si , at kinalulugdan siya ng Panginoon at ng mga tao.

Ang Propesiya tungkol sa Sambahayan ni Eli

27 Lumapit ang isang lingkod ng Diyos kay at sinabi sa kanya, "Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ipinahayag ko ang aking sarili sa ninuno nʼyong si Aaron at sa pamilya niya noong alipin pa sila ng Faraon sa Ehipto. 28 Sa lahat ng lahi ng , ang pamilya niya ang pinili ko na maging aking pari na maglilingkod sa aking altar, sa pagsusunog ng insenso, sa pagsusuot ng espesyal na damit ng pari sa aking presensya. Binigyan ko rin sila ng bahagi sa mga handog sa pamamagitan ng apoy na iniaalay ng mga Israelita. 29 Bakit ninyo nilalapastangan ang mga handog na para sa akin? Bakit mas iginagalang mo pa, Eli, ang mga anak mo kaysa sa akin? Hinahayaan mong patabain nila ang kanilang mga sarili ng mga pinakamagandang bahagi ng handog ng mga mamamayan kong Israelita.

30 "Ako na inyong Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nangako noon na kayo lang at ang lahi ng inyong mga ninuno ang makapaglilingkod sa akin magpakailanman bilang pari. Ngunit hindi na ngayon, dahil pararangalan ko ang nagpaparangal sa akin, ngunit hahamakin ko ang humahamak sa akin. 31 Tandaan ninyo: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa iyong pamilya, gayundin sa iyong mga kamag-anak. Paiikliin ko ang buhay ninyo at wala na sa inyo ang makakaranas na tumanda. 32 Magdurusa kayo at hindi ninyo mararanasan ang kasaganaang ibibigay ko sa Israel. Magiging maikli ang inyong buhay. 33 Hindi ko aalisin ang iba sa inyo sa paglilingkod sa akin bilang pari, pero daranas sila ng matinding pighati at pagdurusa, at hindi sila mabubuhay nang matagal.

34 "At bilang tanda sa iyo na mangyayari ang mga bagay na ito, mamamatay nang sabay ang dalawa mong anak na sina Hofni at Finehas sa parehong araw. 35 Pipili ako ng isang pari na tapat sa akin at susunod sa aking kalooban. Bibigyan ko siya ng mga angkan na maglilingkod sa aking piniling hari magpakailanman. 36 Lahat ng matitira sa mga angkan mo ay mamamalimos ng pera at pagkain sa mga angkan ng paring ito. Magmamakaawa sila at sasabihin, ‘Gawin nʼyo kaming alipin ng mga pari para may makakain kami.’ "

Pessoa
Tribo de Levi
Eli
עֵלִיeliyΗλιĒli
Eli foi sacerdote do Senhor em Siló e liderou Israel quarenta anos. Ao saber que a arca de Deus tinha sido tomada e que os filhos Hofni e Fineias tinham morrido, caiu da cadeira, quebrou o pescoço e morreu (1 Samuel 4:18).
Citado em 31 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Eli
עֵלִיeliyΗλιĒli
Eli foi sacerdote do Senhor em Siló e liderou Israel quarenta anos. Ao saber que a arca de Deus tinha sido tomada e que os filhos Hofni e Fineias tinham morrido, caiu da cadeira, quebrou o pescoço e morreu (1 Samuel 4:18).
Citado em 31 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Siló
Hoje: Khirbet Seilun (Siló)
שִׁלוֹshiloh
Siló é o lugar onde Josué e o sacerdote Eleazar repartiram a terra por sorteio entre as tribos de Israel, na presença do Senhor, e onde esteve a casa de Deus (Josué 19:51).
32,06° N, 35,29° L
Citado em 37 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Samuel
שְׁמוּאֵלshəmuelΣαμουηλSamouēl
Samuel, filho de Elcana e Ana, foi consagrado pela mãe ao serviço do Senhor em Siló, julgou Israel como profeta e ungiu Saul e Davi como reis (1 Samuel 3:20).
Significado: “Ouvido por Deus / Seu nome é Deus”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Eli
עֵלִיeliyΗλιĒli
Eli foi sacerdote do Senhor em Siló e liderou Israel quarenta anos. Ao saber que a arca de Deus tinha sido tomada e que os filhos Hofni e Fineias tinham morrido, caiu da cadeira, quebrou o pescoço e morreu (1 Samuel 4:18).
Citado em 31 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Samuel
שְׁמוּאֵלshəmuelΣαμουηλSamouēl
Samuel, filho de Elcana e Ana, foi consagrado pela mãe ao serviço do Senhor em Siló, julgou Israel como profeta e ungiu Saul e Davi como reis (1 Samuel 3:20).
Significado: “Ouvido por Deus / Seu nome é Deus”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Eli
עֵלִיeliyΗλιĒli
Eli foi sacerdote do Senhor em Siló e liderou Israel quarenta anos. Ao saber que a arca de Deus tinha sido tomada e que os filhos Hofni e Fineias tinham morrido, caiu da cadeira, quebrou o pescoço e morreu (1 Samuel 4:18).
Citado em 31 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Samuel
שְׁמוּאֵלshəmuelΣαμουηλSamouēl
Samuel, filho de Elcana e Ana, foi consagrado pela mãe ao serviço do Senhor em Siló, julgou Israel como profeta e ungiu Saul e Davi como reis (1 Samuel 3:20).
Significado: “Ouvido por Deus / Seu nome é Deus”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Eli
עֵלִיeliyΗλιĒli
Eli foi sacerdote do Senhor em Siló e liderou Israel quarenta anos. Ao saber que a arca de Deus tinha sido tomada e que os filhos Hofni e Fineias tinham morrido, caiu da cadeira, quebrou o pescoço e morreu (1 Samuel 4:18).
Citado em 31 versículos
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Todos os capítulos de 1 Samuel 31
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.