7 Pagkatapos, sinabi ni Saul sa kanyang alipin, "Ihanap mo ako ng babaeng espiritista na maaari kong pagtanungan." Sumagot ang kanyang alipin, "Mayroon po sa Endor."
15 Sinabi ni Samuel kay Saul, "Bakit mo ako ginagambala sa pamamagitan ng pagtawag sa akin?"
Sumagot si Saul, "Mayroon akong malaking problema. Sinasalakay kami ng mga Filisteo at tinalikuran na ako ng Diyos. Hindi na siya sumasagot sa pamamagitan man ng panaginip o ng mga propeta. Ipinatawag kita para sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin."