4 tinawag ng Panginoon si Samuel.
Sumagot si Samuel, "Ano po iyon?"
5 Tumakbo siya kay Eli at sinabi, "Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?"
Sumagot si Eli, "Hindi kita tinawag. Bumalik ka na at matulog ulit." Kaya bumalik siya at muling natulog.
6 Muli siyang tinawag ng Panginoon, "Samuel!" Bumangon si Samuel, pumunta kay Eli at sinabi, "Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?"
Sumagot si Eli, "Anak, hindi kita tinawag, bumalik ka na at matulog ulit."
7 Hindi pa nakikilala noon ni Samuel ang Panginoon dahil hindi pa nakikipag-usap ang Panginoon sa kanya.
8 Tinawag ng Panginoon si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Bumangon siya at pumunta kay Eli, "Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?"
At nooʼy naunawaan na ni Eli ang Panginoon ang tumatawag sa batang si Samuel, 9 kaya sinabi niya kay Samuel, "Bumalik ka na ulit at matulog, kung tatawagin ka ulit, sabihin mo, ‘Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig ang inyong lingkod.’ " Kaya bumalik si Samuel sa higaan at muling natulog.
10 Lumapit kay Samuel ang Panginoon at gaya ng dati, tinawag niya ito, "Samuel! Samuel!"
Sumagot si Samuel, "Magsalita po kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang lingkod ninyo."