11 Naagaw ng mga Filisteo ang Kahon ng Kasunduan at napatay ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas.
17 Sumagot ang tao, "Nagsitakas po ang mga Israelita sa harap ng mga Filisteo. Napakarami pong namatay sa mga sundalo natin, kasama po ang dalawang anak nʼyo na sina Hofni at Finehas. At naagaw din po ang Kahon ng Diyos."
21,22 Bago siya namatay, Icabod4:21-22 Icabod: Ang ibig sabihin, wala na ang kapangyarihan o presensya (ng Diyos). ang ipinangalan niya sa bata, dahil sinabi niya, "Wala na ang kaluwalhatian ng Diyos sa Israel." Sinabi niya ito dahil naagaw ang Kahon ng Diyos at namatay ang asawa niya at biyenan niyang lalaki.