Mga Dapat na Katangian ng Tagapangasiwa at Tagapaglingkod
1 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa ng iglesya ay naghahangad ng marangal na gawain. 2 Ang isang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan,3:2 walang kapintasan: O may magandang reputasyon. tapat sa kanyang asawa, hindi madaling magalit, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukas ang tahanan sa mga tao, at may kakayahang magturo. 3 Hindi siya dapat lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi mukhang pera. 4 Kailangan ding mahusay siyang mamahala sa pamilya niya; iginagalang at sinusunod ng mga anak niya. 5 Sapagkat kung hindi siya marunong mamahala sa sariling pamilya, paano siya makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos? 6 Dapat ay hindi siya bagong mananampalataya, at baka maging mayabang siya at mahatulan katulad ng diyablo. 7 Bukod pa rito, kailangang iginagalang siya ng mga hindi miyembro ng iglesya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.