7 Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga walang kabuluhang alamat na sabi-sabi lang ng matatanda. Sa halip, sanayin mo sa kabanalan ang iyong sarili. 8 Ang pagsasanay ng katawan ay may mabuting naidudulot, ngunit ang banal na pamumuhay ay higit na kapakipakinabang, sapagkat itoʼy may pangako hindi lang sa buhay na ito, kundi maging sa buhay na darating.